^

PSN Showbiz

Kasal nina Dong/Yan sa MOA Arena ang reception?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sumilip kami sa dance rehearsal ni Ma­rian Rivera para sa episode ng Marian niya this Saturday at isang mahirap na dance number na naman ang gagawin nito. Ang alam ni Marian, hanggang December pa ang dance show niya, pero kung ang GMA  7 ang masusunod, hanggang gusto niya at kaya niya, magpapatuloy ang show.

Anyway, butterfly jewelry case ang pasalubong ni Dingdong Dantes kay Marian from Germany.  Ayaw na sana niyang may pasalubong pa sila sa trip nila abroad dahil ikakasal na sila at malaki ang ga­gastusin ni Dingdong. Ang fiancé ang gagastos lahat maliban sa Christian Louboutin shoes na binili niya sa Macau two years ago nang unang mag-propose si Dingdong.

Kaya naloka ang kampo ni Marian sa tsikang worth P4M ang wedding gown ng aktres na ginaga­wa ni Michael Cinco. Pati ang lumulutang na sa MOA Arena ang reception ng kasal nina Dingdong at Marian, hindi kinumpirma nang aming kausap.

Ipinagmalaki ni Marian na tumaba na siya, hindi lang alam kung ilang pounds ang nadagdag sa kanya. Hinubad pa nito ang sweatshirt na suot para ipakitang tumaba siya, pero tingin namin, payat pa rin ito.

Dalawang pelikula ni Goma magkasunod na ipalalabas

Final title na ng Star Cinema movie na showing sa October 16 ang The Trial  dahil sabi ni Richard Gomez, after mapanood ng mga taga-Star Cinema ang movie, nakita nilang mas bagay ang original title kesa sa naisip nilang ipalit na Almost a Love Story.

Dagdag ni director Chito Roño, desisyon din ng marke­ting ng Star Cinema na The Trial ang gamiting title at proud siya sa Star Cinema sa pag-take ng risk dahil sanay nga naman ang moviegoers sa mga kantang title, pero ang The Trial  sa title pa lang, alam na agad na serious family drama movie.

Magkasunod na linggo ang showing ng movies ni Richard, mauuna ang The Janitor sa October 8 at ang The Trial sa Oct. 15. Hindi nawawala sa eksena si Richard dahil may game show pa siya sa TV5, ang Quiet Please.

Sa The Trial, gumaganap sina Richard at Gretchen Barretto na mag-asawang malapit nang maghiwalay. 

Rochelle at Andrea buwis-buhay ang pag-tumbling na ginawa

Muling isasayaw ng cast ng Ang Lihim ni Annasandra sa Sunday All Stars bukas ang buwis buhay dance number nila na unang ginawa sa presscon ng fantaserye na magpi-premiere sa Monday, October 6, sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Si Rochelle Pangilinan ang nag-choreograph ng dance number na maha-highlight ang kasekihan nila ni Andrea Torrres. Nakitang seryosong nanonood ang BF ni Rochelle na si Artur Solinap habang lumilipad at nagta-tumbling siya sa pagsasayaw at naalala namin ang kuwento nitong hindi niya pinapanood magsayaw ang GF lalo na kung sexy ang costume.

Magkasama sina Rochelle at Arthur sa Ang Lihim ni Annasandra, pero hindi sila magkapareha. Nabanggit ni Arthur sa press na next year na siya magpo-pro­pose ng kasal kay Rochelle, pero sabi ng dalaga, kahit that night sa presscon, kung nag-propose ang BF, tatanggapin niya. Ready na itong maging misis ni Artrhur!

Anak ni Miguel Rodriguez pangarap tuluran ang ama

First acting experience ni Samantha Rodriguez ang Wattpad presents...Poser ng TV5 na mapapanood na, 7:30 p.m. sa Monday. Light romance ang story ng episode, kaya hindi masyadong nahirapan ang dalaga na anak ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez.

Nagpapasalamat din si Sam sa suporta ng mga kasamang sina Akihiro Blanco at Chanel Morales at ni director Jay Altarejos. Gusto ng dalaga na i-pursue muna ang acting bago tuparin ang dream na maging lawyer.

Five years old si Sam nang mamatay ang ama, pero alam niyang artista ito. Isa sa motivation niya sa showbiz ang FAMAS trophy ng ama and someday, gusto rin daw niyang manalo ng acting award sa Famas. Napansin namin, nagtinginan ang press sa sinabing ito ni Sam, bakit kaya?­

AFTERNOON PRIME

AKIHIRO BLANCO

ANDREA TORRRES

ANG LIHIM

ANNASANDRA

MIGUEL RODRIGUEZ

NIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with