_ngayon
^

Pamilya Santiago at Cherry Pie pareho ang pinagdaraanan

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2014 - 12:00am

Habang hinihintay pa ni Cherry Pie Picache na ma­bigyan ng hustisya ang karu­mal-dumal na pagpatay sa kan­yang inang si Gng. Zenai­da Sison nung kasagsagan ng bagyong Mario, isang pa­milya ng magkakapatid din ang nagdadalamhati ngayon sa pagyao ng dating aktres na si Cielito Legaspi-Santiago, ina ng magkakapatid na Randy, Rowell, Rhea, Jun-Jun, Raymart, at Chi-Chi Santiago na suma­kabilang buhay no­ong uma­ga ng Biyernes, Septem­ber 26 na mahigit isang buwang na-confine sa Cardinal Santos Hospital in San Juan City.

Ulila nang lubos ang magkakapatid na Santiago dahil naunang namayapa ang ka­nilang ama, ang movie director na si Pablo Santiago, Sr. nung August 16, 1998 sa sakit nito sa kidney.

Si Cielito ay nakagawa ng ilang pelikula nung dekada ‘60 kasama na rito ang Sumpa at Pangako in 1959, Walang Daigdig in 1960 at ang Mahal Kita Inay in 1962.

Bago sumakabilang-buhay noong nakaraang Biyernes ng umaga, si Cielito ay 16 na taon nang biyuda at ang kanyang mga anak at mga apo ang kanyang pinaghuhugutan ng kanyang lakas at kasiyahan.

Nung nabubuhay pa si Cielito na mas kilala bilang si Mommy Celing, lungkot na lungkot ito para sa kanyang bunsong anak na lalaki na si Raymart dahil sa naging problema nito sa (dating) sa asa­wang si Claudine Barretto. Magmula nang maghiwalay ang dalawa, hindi na rin halos nakita ni Mommy Celing ang kanyang mga apo na sina Sabina at Santino.

Matapos ma-cremate, pinaglamayan ng dalawang araw at gabi si Cielito last Saturday and Sunday sa La Salle – Greenhills Chapel.

Mula sa amin dito sa PSN (Pilipino Star NGA­YON), ang aming taos-pusong pa­kikiramay sa mga naiwan ni Mommy Celing ganundin naman ng ina ni Cherry Pie Picache na si Gng. Zenaida Sison. 

Isabel bilib na bilib kay John ‘pag sumasayaw

Mas kilala si John Prats sa pagi­ging isang mahusay na dancer more than he’s being an actor o ‘di kaya bilang TV host. Number one fan niya marahil ang kanyang soon-to-be wife na si Isabel Oli kaya sa pamamagitan ng flash mob dance niya idinaan ang kanyang proposal sa nobya.

Ayon sa younger sister ni John na si Camille Prats, hangang-hanga si Isabel kay John kapag ito’y sumasayaw.

Isa si Camille sa mga kasabwat at nag-prepare sa ginawang marriage proposal ni John kay Isabel sa gitna ng Eastwood City last September 25. Sa rami ng involved na tao, ingat na ingat umano sila na hindi ito mag-leak at makarating sa kaalaman ni Isabel. 

 

BIYERNES CAMILLE PRATS CARDINAL SANTOS HOSPITAL CHERRY PIE PICACHE CHI-CHI SANTIAGO CIELITO CIELITO LEGASPI-SANTIAGO MOMMY CELING SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with