Poging pulis, ibubunyag ang totoong buhay
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakilala siya bilang Neil Perez, winner ng Misters of the Philippines beauty pageant—ngunit nga­yong Sabado, makikilala n’yo ang lalaki sa likod ng matingkad na ngiti: si Mariano Flormata, Jr. Isang pulis. Isang anak. 

Mula pagkabata, idol na ni Ma­ria­no ang kaniyang ama dahil isa itong magiting at mabuting pulis. Ka­ya sa murang edad ay pangarap na niya ang sumunod sa yapak nito. 

Subalit ano ang mangyayari sa kanilang buhay para ang ama mismo ni Mariano ang humadlang sa naging pangarap ng anak?

Paano babaguhin ni Mariano ang isip ng kaniyang ama, para makuha niyang pasukin ang pagiging pulis? At anu-ano pang mga balakid ang haharang sa kanyang pagsusumikap sa kaniyang napiling pangarap? 

Itinatampok sina Kristoffer Martin bilang batang Mariano Flormata at Mariano Flormata, Jr. as himself and in his first acting role. Kasama rin sina Roi Vinzon at Irma Adlawan.

Ang episode na pinamagatang Poging Policeman: the Mariano Flormata, Jr. Story ay mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Venj Pellena, at sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.    

 Alamin ang kanyang kuwento ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.

 

GIL TEJADA IRMA ADLAWAN JR. ISANG JR. STORY KAREN LUSTICA KRISTOFFER MARTIN MARIANO MARIANO FLORMATA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with