Internet libre na - MVP

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2014 - 12:00am

Nag-abang ang buong Pilipinas sa big and important announcement kahapon ni PLDT and TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Kanya-kanya ng hula ang mga tao. Ang hula ng iba, tungkol sa pagkandidato niya bilang pangulo ng Pilipinas sa 2016 ang big announcement ni Papa Manny.

May mga humula naman na baka may kinalaman sa mga bagong programa ng Kapatid Network ang big announcement ng big boss ng TV5.

Mali ang mga hula dahil tungkol sa free mobile Internet services hanggang November 30, 2014 ng pre-paid users ng Smart, Sun, Talk ‘n Text, at Sun Cellular ang big announcement ni Papa Manny na ikinagalak at ipinagdiwang ng marami dahil libreng-libre na ang paggamit nila ng Facebook, Twitter, Instagram, at  browsing sa mga Internet website.

Sure na sure ako na madaragdagan ang prepaid users ng Smart, Sun, Talk’n Text, at Sun Cellular dahil sa tempting at bonggang pasabog ni Papa Manny.

Carla tumataba sa pagka-in love kay Tom!?

Walang masama kung madalas na makita na magkasama at sweet sa isa’t isa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana dahil mga single sila.

Hindi nakapagtataka na magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil sa dalas ng kanilang pagkikita sa taping ng My Destiny na malapit na rin na mag-goodbye sa ere.

May mga suspetsa na hulog na hulog na ang loob ni Carla kay Tom at ito ang dahilan ng paglusog ng kanyang katawan.

Napansin ng mga sumusubaybay sa My Destiny na pataba nang pataba si Carla sa mga eksena nito at ang duda nila, may kinalaman si Tom. Puwedeng napapalakas ang pagkain ni Carla dahil in love siya sa kanyang kasalukuyan na inspirasyon.

Unang napuna ang paglusog ni Carla nang rumampa ito sa The Naked Truth.

Magkasama ang dalawa ngayon sa Los Angeles para sa kanilang Kapuso show doon kaya malamang mas ma-in love si Carla kay Tom.

Alessandra parang misis na ni Sid

Ibinuko nina Ruru Madrid at Gabrielle Marquez na madalas na dumadalaw sa set ng My Destiny si Alessandra de Rossi.

Mabait daw sa kanila si Alessandra na girlfriend ni Sid Lucero, ang co-star nina Ruru at Gabrielle sa My Destiny.

Parang miyembro na si Alessandra ng pamilya ni Sid at napatunayan ko ito nang magpunta ako noon sa La Salle Greenhills Chapel nang makiramay ako sa mga naulila ni Mark.

Katulong si Alessandra sa pag-aasikaso sa mga nakisimpatiya sa pamilya ni Mark at kabilang ako sa mga sinabihan niya ng “ Thanks for coming.”

Ruffa maraming bawal sabihin

Ngayon ang return flight ni Ruffa Gutierrez mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May pinirmahan na confidentiality agreement si Ruffa kaya hindi pa nito puwedeng i-reveal ang dahilan ng biyahe niya sa capital ng Malaysia.

Walang ipinagkaiba ang confidentiality agreement ni Ruffa sa non-disclosure contract ng kanyang pamilya para sa second season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Kung hindi ako nagkakamali, milyung-milyong piso ang halaga ng non-disclosure contract ng Gutierrez family sa E! kaya maingat sila sa pagsagot sa mga question tungkol sa kanilang reality show na muling mapapanood sa October 5.

ALESSANDRA CARLA CARLA ABELLANA GABRIELLE MARQUEZ MY DESTINY PAPA MANNY RUFFA SUN CELLULAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with