Pelikulang Norte na apat na oras ang running time isasali sa Oscars
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang pelikula palang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Director Lav Diaz ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) para ipadala sa mga pelikulang puwedeng makasali sa Best Foreign Language Film category sa Oscar Awards next year.

Nauna nang nakasama ang obra ng batikang director sa The best films of 2013 ng British Film In­s­titute/Sight and Sound list. Nasa no. 9 ang Norte sa nasabing listahan.

Nakasama rin ito sa ginanap na Cannes Film Festival at nanalo na rin sa ibang international film festivals. Maging sa Urian ay nagwagi ito ng best picture at best actress for Angeli Bayani.

Sina Sid Lucero at Angeli Bayani ang mga bida ng movie.

Apat na oras ang running time ng Norte na k­uwento tungkol sa crimes and family.

James at Nadine ayaw magpabaya, aminadong kayang habulin ang Kathniel

Hindi raw sasayangin ng magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala sa tawag na JaDine, ang magandang takbo ng kanilang karera ngayon at itinuturing na pangalawang pagkakataon nila sa showbiz kaya naman iwas daw muna sa pakikipagrelasyon ang dalawa. Ito ang ilan sa mga i­binahagi nila sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Setyembre 25).

 “Naranasan kasi naming mawala ‘yong opportunity kasi medyo napabayaan, hindi sineryoso, at hindi nagfocus. Ayaw na namin maulit iyon,” sabi ni Nadine.

Unang nabigyan si James ng break sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash, ngunit hindi niya itinuloy ang pag-arte dahil nalilito at hindi pa raw siya sigurado sa tatahakin niyang karera noon.

 “Parang ‘di ako masyadong seryoso dati. Bata pa ako. Hindi ko pa noon alam kung ano talaga ang gusto kong gawin,” kuwento naman ni James.

Nagsimula naman sa telebisyon at pelikula si Nadine noong siya’y bata pa, subalit aminado siyang marami siyang oportunidad na pinalampas.

 “Nagkaroon ako ng teleserye at pagkatapos noon medyo natengga ako. Kasi noong time na gumagawa ako ng mga teleserye parang nilalaro ko lang. Hindi ko po siya masyadong sineryoso,” pag-amin ni Nadine.

Matapos ang kanilang pinagdaanan, umingay ang pangalan ng dalawa nang pumatok ang mga pelikulang Diary ng Panget at  Talk Back and You’re Dead na pinagbidahan nila. Kamakailan lamang ay pumirma sila ng exclusive contract sa ABS-CBN at malapit ng bumida sa weekend seryeng Wansapanataym Presents My App Boyfie.

Nang tanungin kung kaya bang pantayan ng JaDine ang kasikatan ng loveteam nina K­athryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala sa tawag na KathNiel, sagot ni Nadine, “Siguro po pero matagal pa. Marami pa kaming kailangan pagdaanan.”              

ANGELI BAYANI BEST FOREIGN LANGUAGE FILM BIG WINNER BRITISH FILM IN CANNES FILM FESTIVAL NADINE NORTE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with