Glaiza inililihim ang ‘pagbubuntis’ kay Gabby
(Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng programang Dading : Hindi makapaniwala si Mila (Shairmaine Buencamino) sa rebelasyon ni Beth (Glaiza de Castro). Parehong maiiyak ang mag-ina sa kalagayan ni Beth. Kung kailan naman umaayos na ulit ang buhay ni Beth, saka naman may panibagong problemang dumating. Sasabihin ni Mila na dapat ipaalam ni Beth ang pagbubuntis niya kay Joemer (Benjamin Alves). Magmamakaawa si Beth na huwag na dahil magiging kum­plikado lang ang lahat.

Walang kamalay-malay si Carding (Gabby Eigenmann) sa dinadala ni Beth. May duda sila ni Lexi  (Gardo Verzosa) kung bakit tila tuliro si Beth nitong mga nakaraang araw pero hindi naman nila maaamoy kung ano talaga ang talagang dahilan. Nagsuspetsa lang ang magkaibigan na baka apektado si Beth sa nalalapit na kasal ni Joemer.

Isang araw, matapos ang pre-natal check-up ni Beth, makakasalubong nito si Joemer. Ilang saglit pa dadating si Celine (Chynna Ortaleza) na kakagaling lang din sa OB Gyne nito. Saglit na magkaka­tinginan sina Beth at Joemer pero kukunin ng huli ang kamay ni Celine at lalabas sa ospital. Si Celine na talaga ang pinili ni Joemer.

Naguguluhan na si Carding kung bakit ang bigat-bigat ng dinadala ni Beth. Kukumprontahin ni Carding si Beth kung ano ang problema nito. Biglang maiiyak si Beth at makikiusap na sana ay patawarin siya ni Carding. Nang aaminin na ni Beth ang totoo, bigla na lang darating si Precious (Zarah Mae Deligero).

Hindi na itutuloy ni Beth ang pag-amin kay Carding na buntis siya dahil ayaw niyang marinig ito ni Precious. Magpapalusot na lang si Beth na nakita niya si Joemer sa ospital at ayaw niyang malaman ito ni Carding mula kay Celine. Malabo man ang paliwanag ni Beth, tatanggapin na lang ito ni Carding.

Mararamdaman ni Celine ang pangungulila ni Joemer kay Precious. Pagbibigyan niya ito na dalawin si Precious sa huling pagkakataon bago sila tumulak papuntang US pagkatapos ng kasal nila. Pupuntahan ni Joemer si Carding at lakas loob na ipapaalam si Precious. Sa una, magmamatigas si Carding pero bibigay din ito sa awa kay Joemer. Tutal ‘yun na rin ang huling pagkikita ng mag-ama, pagbibigyan na ito ni Carding.

 

BENJAMIN ALVES BETH CARDING CELINE CHYNNA ORTALEZA GABBY EIGENMANN GARDO VERZOSA JOEMER SHAIRMAINE BUENCAMINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with