Piolo pabor kay Mariz para sa anak na si Iñigo
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2014 - 12:00am

Mabuti na lamang at napakaganda ng imahe na ipinakita ng Pinoy Big Briother (PBB) 2nd Big Winner na si Mariz Racal  sa publiko nung nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kung kaya tila walang naririnig na pagtutol sa pagli-link sa kanila ngayon sa anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Hindi naman daw siya ang nagbigay motibo sa nakababatang Pascual. Ito ang unang nagpadala ng text sa kanya na nagpapakilala sa kanya.

“Hindi po naman siya nanliligaw. Bawal po sa akin ang magpaligaw dahil bata pa po ako. Nakalusot lang po ako at nakapag-boyfriend nang hindi alam ng pa­rents ko sa school pero, hindi po ‘yun seryoso. Dahil pareho kaming kumakanta gusto ni Iñigo na baka pwede kaming mag-collaborate  sa paggawa ng kanta o  maging sa pagkanta. At welcome po sa akin ang offer niyang friendship,” anang PBB alumna na grateful nang malamang boto sa kanya ang ama ng kanyang bagong kaibigan.

Trabaho nI Derek apektado sa gulo sa asawa

Dapat lang talagang harapin na ni Derek Ramsay ang kasong isinampa sa kanya ng dati niyang asawa para naman mabalikan na niya ang kanyang trabaho at maibigay na niya rito ang buo niyang konsentrasyon gaano man kalaki ang sustentong hinihingi nito para sa kanilang anak. Kung hindi naman talaga niya makakaya at lubhang napakalaki ay hindi rin naman magpu-prosper. ‘Yun lang, kaila­ngang mapatunayan ito ng kanyang legal counsel. Sa ayaw niya’t sa gusto ay talagang malaki ang epek­to ng nagagawa para sa kanya ng kaso. Lalo’t pati ang kanyang anak sa nakahiwalayan niyang babae ay nagpapatunay ng pagpapabaya niya rito.

Kathryn at Andi parang iisa ang problema

Dalawang kabataang babae ang magkasunod na naghagulgulan nang malaman na ang lala­king itinatangi nila ay may ibang babae bukod pa sa kanila. Una na si Andi Eigenmann na marahil ay pinagsisihan na ngayon ang pakikipagbalikan kay Jake Ejercito. Sa kabila ng pag-ayaw sa kanya ng mga magulang nito. Hurt na hurt ito sa nakitang larawan sa Internet ng kanyang karelasyon na may kahalikang ibang babae.

Hagulgol din daw ang naging reaksyon ni Kathryn Bernardo nang malamang may ibang babae ang kanyang ka-love team na isa ring Kapamilya artist. Bagaman at boses lamang ang mapagbabatayan ng sinasabing atraksyon ng aktor sa isang artista rin na mayro’n nang sabit, marami sa kampo ng aktor ang nagsasabing kaboses lang ‘yun ng idolo nila at hindi si Daniel Padilla ‘yun! Totoo man o hindi ang kumakalat na audio recording ni Daniel, obvious na apektado si Kathryn dahil umiiwas ito kay Daniel at maging sa taping niya ng Wansapanataym ay nag-iiiyak daw ito.

ANDI EIGENMANN BIG WINNER DANIEL PADILLA DEREK RAMSAY JAKE EJERCITO KATHRYN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with