Direk Wenn ipinagtanggol ang 20-anyos na bf ni AiAi
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2014 - 12:00am

Kamakailan ay ipinakilala na ni AiAi delas Alas sa publiko ang bagong kasintahan na si Gerald Sibayan. 20 years old pa lamang ang binata at mag-50 years old naman ang aktres sa darating na November 11. Dahil dito ay naging kontrobersyal na naman ang relasyon ni AiAi sa bagong nobyo.

Ayon sa kaibigan ng aktres na si Direk Wenn Deramas ay hindi raw dapat husgahan ng mga tao ang relasyon nina AiAi at Gerald. “Hindi dapat nating kondenahin dahil wala siyang inargabyado na tao. Wala siyang hinihingi sa kahit sinong tao na kahit na ano. Siguro dahil celebrity siya, pang-unawa at pare-pareho rin naman ‘yang mga tao, sana mas maintindihan siya,” giit ni Direk Wenn.

Masayang-masaya ang direktor dahil nakikita niyang muling naging masaya ang buhay pag-ibig ni AiAi matapos ma-divorce ang kasal noong isang taon sa dating asawang si Jed Salang. “Masaya ako para sa kanya basta masaya siya. Alam ko, alam niya kung ano ang tama at mali, at siya mismo, alam niya kapag mali na. Alam niya when to stop, matalinong tao naman ‘yun eh,” paliwanag ni Direk Wenn.

Personal daw na ipinakilala ni AiAi ang kasintahan kay Direk Wenn noong isang linggo sa mismong birthday party ng direktor. “Dinala ni AiAi, pinakilala niya sa akin. He looks intelligent, bata but hindi rin naman siya ‘yung batang-bata. Kumbaga, ibig sabihin alam naman niya na dapat kung ano ‘yung mga bagay-bagay na pinapasok niya,” pagtatapos ni Direk Wenn.

Valerie ng PBB inspirasyon ang mga Aeta sa pagsali sa Miss World

Ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Valerie Weigmann ang lalaban para sa nalalapit na 2014 Miss World Philippines beauty pageant. Taong 2008 nang sumali si Valerie sa Pinoy Big Brother kung saan si Ejay Falcon ang itinanghal na Big Winner. Para kay Valerie ay napapanahon daw ang kanyang pagiging kandidata sa Miss World upang magkaroon ng awareness ang buong mundo para sa mga kababayan nating Aeta na nakabase sa Tarlac. “Dahil sa experience at siyempre dahil sa platform. Kasi nagustuhan ko ‘yung Miss World because it’s all about beauty and giving,” bungad ni Valerie. “So since may advocacy na din kasi ako, nakita ko ‘yung opportunity to raise awareness of my indigenous brothers and sisters,” dagdag ng dalaga.

Matatandaang si Megan Young ang nanalo sa nasabing beauty pageant noong isang taon na nakapagbigay ng isang malaking karangalan sa bansa. Marami na ring naging proyekto si Valerie mula nang lumabas sa PBB at ang kanyang mga natutunan daw sa lahat ng karanasan ang kanyang babaunin sa Miss World. “Just to be yourself because I’ve experienced it already that sometimes you shouldn’t over think. Basta ‘pag ikaw ‘yun, pakita mo lang,” giit ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS                  

                    

AETA ALAM BIG WINNER DAHIL DIREK WENN MISS WORLD PINOY BIG BROTHER VALERIE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with