^

PSN Showbiz

Charo Santos, Gina Lopez, at Kris Aquino wagi sa pagtataguyod sa turismo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wagi bilang TV Station of the Year ang ABS-CBN sa kakatapos lang na SKAL Tourism Personality Awards, kung saan pinarangalan din ang top executives ng network para sa mga natatanging kontribusyon nila sa pagsulong ng turismo sa loob o labas man ng bansa.

Kilala ang Kapamilya network sa pagtaguyod ng kultura at magagandang lugar sa bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms, kabilang na sa news at entertainment programs nito, station IDs, magazines, environmental arm na Bantay Kalikasan, at travel website na Choose Philippines. 

Panalo rin ang ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio bilang Woman Achiever for Tourism and International Understanding, habang kinilala naman ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation chairman na si Gina Lopez sa Environment and Agri-tourism category.

Pinangalanan ding Travel Show Host of the Year ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa kanyang pagbisita sa mga sikat at maging ang mga hindi kilalang tourist spots sa bansa kasama ang kanyang guests sa progra­mang Kris TV, na nagwagi rin ng Travel Show of the Year award.

Ang SKAL Makati chapter ay miyembro ng SKAL International, isang samahan ng travel at tourism professionals na nagtataguyod ng turismo at pagkakaibigan sa mundo. Itinatag ito noong 1932 sa Paris, France at ngayo’y mayroon nang higit sa 25,000 na miyembro sa 500 na tourism clubs sa 85 na bansa.

BANTAY KALIKASAN

CHARO SANTOS-CONCIO

CHOOSE PHILIPPINES

ENVIRONMENT AND AGRI

GINA LOPEZ

KRIS AQUINO

LINGKOD KAPAMILYA FOUNDATION

QUEEN OF ALL MEDIA

STATION OF THE YEAR

TOURISM AND INTERNATIONAL UNDERSTANDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with