_ngayon
^

Dementia ni Nora kasali sa Portugal Filmfest

- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2014 - 12:00am

Excited hindi lamang ang Superstar na si Nora Aunor kundi maging ang direktor niya sa pelikulang Dementia na si Perci Intalan. First directorial job ito ng dating big boss ng TV5  na nagpasyang iwan ang corporate world at mag-concentrate sa paggawa ng pelikula. Mukha namang tama ang desisyon niya na pasukin ang pagdidirek. Hindi pa man naipapalabas ang Dementia ay may mga imbitasyon na ito mula sa maraming international film festivals. Pero pinili nila ang Portugal Film Festival na isa sa pinakamalaki at oldest filmfests in the world.

First movie ni Direk Perci ang Dementia at kahit hindi pa ito ipinalalabas ay mayro’n na agad siyang offer para magdirek uli. Ito ang Flight 666, isa sa tatlong episodes ng Shake Rattle & Roll XV ng Regal Films ni Mother Lily na kasama sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Nabuo ang konsepto ng Dementia nung nasa network pa si Direk Perci. May ganitong karamdaman ang kanyang ina. May mga kaibigan din siya na may mga miyembro ng pamilya na madalas nang makalimot.  Meron ding may tiyuhin na bigla na lang nawala at nahirapan ang pamilya nito na hanapin siya. May isa ring ina na muntik sunugin ang kanilang bahay dahil sinindihan nito ang kalan at pagkatapos ay iniwan ang kanyang bahay.

Hindi intensyon ng pelikula na talakayin ang karamdaman kundi maipakita ang isang may dementia na nakakakita na mga hindi nakikita ng iba. Ipinagpapalagay na bahagi lamang ito ng sakit, pero paano kung hindi at may iba pang paliwanag tungkol dito?

Hindi intensyon ng direktor na gawin itong palabas sa TV. Talagang pelikula ang gusto niya. Pero nung mga panahong ‘yun ay marami pang pinagkakaabalahan si Nora.

Bukod kay Nora Aunor, kasama rin sa pelikula sina Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Gonzales, Lou Veloso, at  Lui Manansala. Pare-parehong awardee sa Palanca Memorial Awards for Literature ang sumulat ng kuwento na si Jun Robles Lana,  gumawa ng script na si Renei Dimla at si Direk Perci Intalan.

Dahil sa kanta ng kabadingan, Michael Pangilinan mukhang malayo ang mararating

Mukhang itutulak ng malayo ng PhilPop Himig Handog, isang songwriting contest na magaganap ang finals sa Sept. 28 sa Araneta Coliseum, ang karera ng singer na si Michael Pangilinan. Sikat na sikat na ang kakantahin niyang komposisyon ni Joven Tan na pinamagatang Pare, Mahal Mo Daw Ako. Hindi lang ito madalas marinig sa radyo, paborito rin itong isulat sa tabloid dahil sa kakaibang tema nito ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang lalaki. Bukod sa marami ang nakaka-relate sa kanta ay maganda pa rin ang lyics at melody ng song. Kapag nanalong muli ang kompositor nito ay baka matagal bago niya mabalikan ang pagdidirek ng pelikula. Grand winner din siya last year sa kantang ininterpret ni Aiza Seguerra.

Hindi magiging madali ang gagawing pagsali ni Michael Pangilinan bilang interpreter. Maganda rin ‘yung mga kakantahin nina Bugoy Drilon, Jessa Zaragoza, at Morisette Amon.

Rason ni Lovi sa pagtanggi sa Kubot, unprofessional

Akalain mo, matapos ang mahabang pag-iisip sa kung bakit tinanggihan ni Lovi Poe na gawin ang sequel ng Kubot:  The Aswang Chronicles 2 kung saan ay mahalaga ang character na ginagampa­nan ay saka unti-unting lumalabas na si Dingdong Dantes pala ang dahilan ng kanyang pagtanggi na gawin ang pelikula. Hindi raw ito kumportable na makatrabaho ang aktor dahil dinidedma siya ng girlfriend nitong si Marian Rivera. Bagaman at hindi kami pabor sa ginawang pagmumura sa kanya at pagsasalita ng direktor ng movie na si Erik Matti, gusto kong sabihin na ‘yung pag-ayaw ni Lovi na gawin ang movie ay nagpapa­kita ng unprofessionalism na hindi aakalain ng lahat na makikita sa anak ni Da King Fernando Poe, Jr. Ngayon pa ba siya maiilang kay Dingdong, eh matagal silang magkasama sa matatapos nang Ang Dalawang Mrs. Real na ang mga huling taping ay halos kasabay na ng pagsisimula ng pelikula niyang co-produced ng aktor at maging nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Kylie ginagamit lang daw si Rayver para magselos si Aljur

Hindi pa man nakukumpirma ang romansa diumano nina Kylie Padilla at Rayver Cruz, heto at may nagsisimula nang intriga sa dalawa. Sinasabing pinagseselos lang ng aktres ang kanyang ex na si Aljur Abrenica kaya nakiki­pag-close ito sa Kapamilya actor sa set ng Dilim ng Regal.

Unfair ito kay Kylie na matagal nang inamin na naka-move on na siya sa Kapuso actor. Baka magkailangan pa sila ni Rayver, eh napurnada pa ang nasimulan nilang magandang pagkakaibigan.

DIREK PERCI ERIK MATTI MICHAEL PANGILINAN NORA AUNOR PERCI INTALAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with