^

TV5’s Sports5 Head Chot Reyes, nagwagi ng CEO Excel Award

(Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -   Hindi lang sa loob kundi maging sa labas ng basketball court umaani ng tagumpay si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes. Kamakailan ay nagwagi ito ng parangal para sa kanyang kontribusyon sa broadcast industry bilang Head ng Sports5, ang Sports production arm ng TV5.

Isa si Coach Chot sa mga nagwagi sa 2014 Communication Excellence in Organization (CEO Excel) Awards, ang pinakamataas na indibidwal na parangal mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Philippines.

Bukod sa pagiging matagumpay na basketball coach na nagbalik sa Pilipinas sa international basketball map, isa ring ma­ga­ling na business leader, communicator, at mo­ti­vatio­nal speaker si Coach Chot. 

Bilang Sports5 Head, ini­lunsad ni Coach ang Sports you watch, Sports that matter campaign na nagtulak sa Sports5 para maging leading free TV sports coverage group in the country, na ngayon ay nagpapalabas hindi lamang ng basketball kundi iba pang sports na kinagigiliwan ng mga Pinoy, gaya ng football, boxing, mixed martial arts, at ang Olympic games.

Ang IABC ay isang global network ng communication professionals na mayroong 15,000 miyembro sa mahigit 80 countries worldwide.

 

BILANG BUKOD COACH CHOT COMMUNICATION EXCELLENCE GILAS PILIPINAS COACH CHOT REYES INTERNATIONAL ASSOCIATION OF BUSINESS COMMUNICATORS ISA KAMAKAILAN PILIPINAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with