Daniel may sabit sa Regal, pagsama sa Kim at Xian movie ipinagpaalam pa?!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2014 - 12:00am

May isang PAMI  (Professional Ar­tists Managers, Inc.) member ang nag-react nang malaman nitong ka­sama ang Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) All In na si Daniel Mat­sunaga sa ginagawang movie nga­yon nina Kim Chiu at Xian Lim kung saan kasama rin si AiAi delas Alas na pinamamahalaan ni Mae Cruz under Star Cinema.

Sa pagkakaalam ng PAMI member na ito ay may exclusive contract si Daniel sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde. Nagdepensa naman agad ang ilang PAMI members na baka naman ipinagpaalam ng Star Cinema si Daniel kay Mother Lily kaya ito naging posible. Ganunpaman, nangako ang nag-react na PAMI member na agad niyang tatawagan ang Regal matriarch para klaruhin ang issue dahil sa pagkakaalam ng marami, nagsimula nang mag-shooting ng Past Tense ang Brazilian-Japanese model-turned actor at recent big winner ng reality show na PBB. Sa kasong ito, labas si Daniel dahil talent lang siya at may manager siya na nangangalaga sa kanyang career, si Jonas Gaffud.  We don’t want to jump into conclusion, pero baka naman si Jonas ang humingi ng persmiso kay Mother Lily na makagawa ang kanyang alaga ng peli­ku­la sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN

GF nakikialam, Rico J. binitawan na ng ‘nanay’

Alam mo, Salve A., naka­katuwang isipin na nag-i-evolve rin ang pinakamatagal nang organisasyon o sa­mahan ng mga professional talent managers ng ban­sa, ang Professional Artists Managers, Inc. or PAMI dahil kung ang ibang original member ay mga honorary members na lamang, mas marami pa rin ang active members at nadagdagan pa sila Whenever I have a chance, ay dumadalo ako sa monthly meetings kahit 14 na taon din akong naging inactive sa pagha-handle ng talents na unti-unti ko na namang binubuhay sa pamamagitan ng bago kong alagang si Alonzo Muhlach, ang four-year-old son ng original Child Wonder na si Niño Muhlach. Sa recent meeting ng PAMI na ginanap sa Annabel’s in Quezon City last Friday evening ay pormal nang ibinalita ng PAMI member na si Norma Japitana ang pagbitaw niya sa kanyang talent of 34 years na si Rico J. Puno dahil nakikialam na umano ang current girlfriend ng Total Entertainer at nahihirapan na umano siya (Norma J.) sa schedules nito.

Sa halip na sumabit sa kanyang mga kausap na pro­ducers, minabuti na lamang niyang bitawan na ang pagha-handle kay Rico J. na kaya sigurong i-manage ngayon ng kanyang bagong girlfriend.
Rico J. was not only an anak-anakan to Norma J. kun­di isang close family friend na nagsimula more than three decades ago nang maging recording star si Rico J. ng Vicor Music Corporation (na pag-aari pa noon ng magpinsang Orly Ilacad at Vic del Rosario, Jr.) kung saan naging AdProm manager si Norma J.

Tulad ng isang ina, hindi madali para kay Norma J. ang mapawalay sa kanyang “anak” na kanyang kasa-sama sa mga biyahe (both here and abroad) at inalagaan sa loob ng 34 years. Pero walang permanenteng bagay sa mundong ito kundi permanenteng interes lamang. Time to let go, Inday Norms!

 

ALL IN ALONZO MUHLACH BIG WINNER CHILD WONDER MOTHER LILY NORMA J RICO J SHY STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with