^

PSN Showbiz

Dominic Roque nagpakahirap para makarampa ng hubad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Biyernes na gaganapin ang inaabangang The Naked Truth denim and underwear fashion show. Sa kauna-unahang pagkakataon ay rarampa sa nasabing event si Dominic Roque kaya nakararamdam ng pressure ngayon ang aktor. “May pres­sure kasi parang nahihiya pa ako nang konti siguro. I think I’ll be more confident during the event mismo. Nakaka-pressure sila kasi ‘yung iba sobrang ganda ng katawan. So ‘yun ‘yung kailangan mo habulin o lampasan mo. ‘Yun ‘yung motivation na kailangan maganda ‘yung maipakita mo sa mga tao, na ma-appreciate nila ‘yung pinaghirapan mo kasi sa totoo lang naman, hindi naman biro ‘yung pagwo-workout eh. ‘Yung self discipline sa pagpapaganda ng katawan at saka sa pagkain, sobrang laking hirap at disiplina ang kailangan para sa pag­hahanda,” naka­ngiting pahayag ni Dominic. Nagtapos na noong isang buwan ang teleserye ng aktor na Moon of Desire kaya umaasa si Dominic na susuportahan pa rin siya ng mga tagahanga sa nasabing fashion show. “This is for them. Pinaghirapan ko ito para sa mga fans and sana ma­nood sila ng show para ma-appreciate nila ‘yung pinaghirapan ko. Kung may bago akong maipapakita, so dapat abangan nila na may kakaiba. Lahat naman kami may mga kakaibang gagawin eh. So nag-isip kami ng mga gimik na pwedeng gawin sa show,” pagbabahagi ng binata.

Hanggang saan kaya ang kayang ipakita ni Domi­nic sa kanyang katawan para sa mga manonood ng Bench fashion show? “Sana maganda pa ring tingnan. ‘Yung hindi naman masyadong bastos,” sagot ng aktor.

Tambalang NLEX, inspirasyon ang Kathniel at Jadine

Isa sa mga bagong love team sa telebisyon nga­yon ang NLex na tambalan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad. Nangangarap daw si Nash na maging kasing sikat ng mga tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) at James Reid at Nadine Lustre (JaDine) ang sa kanila ni Alexa kaya nagsisilbi ang mga itong inspirasyon. “Inspiration siguro para kung paano ginagawa nila pagtanda. Actually gusto ko rin naman na may sarili kaming acting style and it depends naman sa script kung paano talaga ‘yung characters namin,” pahayag ni Nash.

Ayon sa aktor ay malaking-malaki raw ang pagkakaiba ng tambalan nila ni Alexa kumpara sa KathNiel at Jadine. “Well sina JaDine kasi ‘yung love team nila is more on mature parang pareho sila ng KathNiel, pero mas mature pa sa KathNiel. Kasi may kissing scenes na, so ‘yon ‘yung makaka-relate sa kanila, pero ‘yung sa amin kasi ang makaka-relate ‘yung mga bata. ‘Yung mga nagsisimula pa lang, ‘yung may crush-crush,” paliwanag ni Nash. “Sa amin makaka-relate hindi lang mga bata pati siyempre ‘yung matatanda. Kasi siyempre napagdaanan nila ang stage na ‘yun and ‘yung mga bata na napagdadaanan pa itong mga stage na makaka-relate rin sila,” dagdag pa niya.

Sobrang kumportable na sa isa’t isa sina Nash at Alexa dahil magkaibigan na kahit noong mga bata pa lamang ang dalawa. 

                                                        Reports from JAMES C. CANTOS

ALEXA

ALEXA ILACAD

DANIEL PADILLA

DOMINIC

DOMINIC ROQUE

YUNG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with