Krystal parang prinsesa nang isuot ang bigay ni Marian
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nasaksihan ng publiko ang pag-blossom ni Krystal Reyes mula sa pagganap niya bilang young Krystal sa GMA’s top-rating program na Bakekang hanggang sa maging isa sa mga ma­ga­galing na young actresses ngayon.

Pinatunayan niya ang kanyang husay sa ac­ting at hosting sa mga palabas sa telebisyon gaya ng Art Angel, Mga Mata ni Angelita, Munting Heredera, Anna Karenina, at Carmela.

Noong September 7, ipinagdiwang ni Krystal ang kanyang ika-18 kaarawan sa 55 Events Place sa Quezon City na dinaluhan ng kanyang pamilya at ma­lalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Lalong naging kapansin-pansin ang ganda ng GMA Ar­tist Center star sa suot niyang princess-like gown na regalo mismo ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa kanyang kaarawan, hindi mapigilan ni Krystal na maluha dahil sa pagdating ng mga taong importante sa kanyang buhay.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga taong nakibahagi sa gabing ito. Hindi ko man po hiningi na magkaroon ng engrandeng birthday party, taos-pusong nagpapasalamat po ako sa lahat ng tao who made this night memorable,” pagbabahagi ni Krystal.

Labis rin ang naging pasasalamat ng dalaga sa kanyang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanya.

“Kay Mama at Papa, thankful po ako na kayo ang naging pa­rents ko. Anuman po ang dumating sa atin, sana wag po tayong sumuko. Mahal na mahal ko po kayo.”

Ilan sa mga personalidad na naglaan ng kanilang oras para umattend sa nasabing party ay sina Gina Alajar, Kris Bernal, Camille Prats, Sheena Halili, Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Isabel Oli, Ynna Asistio, Jennica Garcia, Julian Trono, Joanna Marie Tan, Kenneth Paul Cruz, at Marian Rivera.

Ayon sa mga taong malalapit sa dalaga, bukod sa paghanga nila sa ganda at husay ni Krystal sa pag-arte ay mas lalo nilang hinaha­ngaan ang pagmamahal nito sa kanyang mga magulang at pamilya.

ANNA KARENINA ART ANGEL BARBIE FORTEZA BEA BINENE CAMILLE PRATS DERRICK MONASTERIO KRYSTAL MARIAN RIVERA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with