Marian ayaw mag-spoiler sa kanilang kasal
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2014 - 12:00am

Sa September 20 na ang simula ng season 2 ng Marian ni Marian Rivera at dapat panoorin ito ng fans nila ni Dingdong Dantes dahil balita namin, may ibibigay na update sa December 30 wedding ng engaged couple. Sinabi sa amin kung para saan ang update, pero ipina-off-the record muna para walang spoiler.

Hanggang December ang second season ng Ma­rian at tatapusin lang bago ang kasal nina Dingdong at Marian, kaya patuloy silang magbibigay ng update sa kanilang kasal. Mas maganda nga naman kung ang mga ikakasal mismo ang nagbibigay ng update at hindi ibang tao.

In between preparations for her wedding, tatapusin ni Marian ang MMFF movie nila nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na My Big Bossing’s Adventure. May ilang araw pang natitirang shooting ang aktres, pero matatapos ang pelikula sa schedule.

Bettina todo deny sa sinasabing pagli-live in nila ni Raymart

Paulit-ulit na itinanggi ni Bettina Carlos ang isyu sa kanila ni Raymart Santiago sa presscon/launching nila ng anak na si Gummy at ang mag-amang sina Dino Guevarra at anak nitong si Joaquin sa Indo Mie Noodles. Hindi rin daw niya alam kung saan galing ang balitang may relasyon sila at nagli-live in.

Sabi ni Bettina, friends lang sila ni Raymart at naging close lang sila nang magkasama sila sa Villa Quintana at hindi lang sila ang close, naging close ang buong cast. ‘Iyong picture na pareho nilang pinost ni Raymart sa kani-kanyang Instagram (IG), sa bahay daw ‘yun ng aktor sa potluck dinner nila ng cast ng Villa Quintana.

Ipinilit ni Bettina na wala siyang love life at ang love life niya ay ang anak at busy siya sa pagbe-bake at sa pagko-co-host kay Chef Boy Logro ng Idol sa Kusina. Siya rin ang provincial host ng Bet ng Bayan at pumupunta sa provinces.

Direk Wenn naging mabusisi nang mag-horror

Kabado si Direk Wenn Deramas sa magiging box-office result ng Maria Leonora Teresa, his first horror movie na showing sa September 17.

Nilinaw ni Direk Wenn na hindi galing ang idea ng movie sa  manikang bigay ni Tirso Cruz III kay Nora Aunor na si Maria Leonora Teresa, kundi sa sinubaybayan niyang story sa komiks na ginawang pelikula.

Kinuwento rin ni Direk Wenn ang experience niya sa pagdidirehe ng Maria Leonora Teresa. Para siyang bagong director, nag-aral at binusisi ang trabaho at feeling niya, sumobra ang pagbubusisi niya sa detalye sa mga una niyang ginawang pelikula. Lahat ng aspeto inayos niya dahil ayaw niyang magkamali at makulangan ang manonood ng pelikula.

Malaking tulong kay Direk Wenn na fan siya ng horror movie at nakapag-praktis siya nang gawin sa TV ang Maligno. Pero na-challenge pa rin siyang gawin ang Maria Leonora Teresa na bida sina Iza Calzado, Zanjoe Marudo, at Jodi Sta. Maria at ang tatlong nakakatakot na manika.

Niño may last mall show

Last mall show na ng cast ng Niño  this Saturday, 4 p.m., sa SM City Sta. Rosa bago ang ending ng teleserye sa September 12. Magpapasalamat sina Miguel Tanfelix at mga kasama sa sumubaybay sa show for 16 weeks.

BETTINA BETTINA CARLOS CHEF BOY LOGRO CITY STA DINGDONG DANTES DIREK WENN MARIA LEONORA TERESA RAYMART VILLA QUINTANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with