^

PSN Showbiz

Sikat na sikat na nga, Nadine hindi na tinitigilan ng intriga

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dating matahimik na buhay ni Nadine Lustre ay unti-unti nang nagugulo dahil nagsisimula nang pagsabungin sila ni Kathryn Bernardo. Pero wala siyang magagawa ganito talaga ang takbo ng showbiz dito sa atin. Kailangan ng isang arch rival para mas madaling sumikat ang isang artista. Basta sumunod lang siya sa agos at huwag magkaro’n ng gap kay Kathryn ay magiging okay lang siya. Habang sumisikat sila ni James Reid, mas lalong titindi ang kumpetisyon sa pagitan nila ng Kathniel.

Gov. Vilma at Edu gusto nang makitang ikasal sina Luis at Angel

Mukha namang handang-handa na sina Gob. Vilma Santos at Edu Manzano na i-welcome sa kani-kanilang pamilya ang nobya ng anak nilang si Luis Manzano na si Angel Locsin sakaling pakasalan nito ang aktres. Parehong boto sa aktres ang mga magulang ni Luis. Siguro nga ay mas excited na silang makitang ikinakasal ang dalawa, para naman mapagtuunan na nila ng pansin ang mga iba pa nilang anak.

Kaseryosohan ni Boy sa show nila ni Kris nami-miss na

Good news na malapit nang balikan ni Boy Abunda ang kanyang hos­ting chores sa ABS-CBN. Hindi lang kasi si Kris Aquino ang nakaka-miss sa kanya, pati ang mga viewers ay lagi inaantay ang kanyang pagbabalik. At nung mawala si Boy at saka lamang narealize ng mga viewers ng Aquino & Abunda Tonight na siya lamang pala ang nagbibigay ng kaseryosohan sa kanilang trabaho. With him temporarily out of the picture, naging 100% showbiz na showbiz ang programa ng News &Current Affairs.

ABUNDA TONIGHT

ANGEL LOCSIN

BOY ABUNDA

CURRENT AFFAIRS

EDU MANZANO

JAMES REID

KATHRYN BERNARDO

KRIS AQUINO

LUIS

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with