Mark Gil ipina-cremate na agad!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2014 - 12:00am

Nakikiramay ako at ang PSN (Pilipino Star NGAYON) staff sa mga naulila ni Mark Gil na pumanaw kahapon dahil sa kanser sa atay.

Nagpakita ng tapang si Mark nang labanan nito ang kanyang karamdaman, hanggang sa mga huling sandali ng buhay niya.

Matagal ko nang alam na malubha ang sakit ni Mark pero hindi ko ibinalita bilang respeto sa kanya at sa pamilya niya.

Naniniwala ako na namatay na maligaya si Mark dahil nakasama niya ang kanyang mga magulang, kapatid, at mga anak bago siya pumanaw.

Fifty two years-old pa lang si Mark at turning 53 siya sa September 25.

Hinihiling ng kanyang mga naulila na bigyan sila ng pagkakataon na magluksa nang pribado.

Ipina-cremate agad kahapon ng pamilya ni Mark ang kanyang mga labi at nangyari ang cremation sa Heritage Park.

‘May mga naughty secret kami ni Mark’

Ang The Legal Wife ng ABS-CBN ang huling television series ni Mark pero napanood pa siya sa isang episode ng Magpakailanman ng GMA 7.

Nagsimula ang showbiz career ni Mark noong dekada 80’s nang maging Regal baby siya. Napanood si Mark sa mga pelikulang Underage, Kasalanan Ba?, Bilibid Boys, Pabling etc. Naging leading man din siya ni Vilma Santos sa controversial movie na Miss X.

Active sa showbiz ang tatlong anak ni Mark na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, at Andi Eigenmann. Occassional actress naman ang kanyang anak na si Maxine.

Sid Lucero ang pangalan ni Mark sa award-winning movie na Batch ’81 at ‘yon ang ginamit na screen name ng kanyang anak na si Sid.

Naging close kami ni Mark nang magkasama kami sa shooting ng isang pelikula na kinunan sa ibang bansa. May mga naughty secret kami ni Mark kaya nagkakatawanan kami kapag nagkikita sa mga presscon at ibang mga showbiz event.

Farewell message ng panganay ni Mark, nakakaantig!

May mga napaluha sa touching farewell message ni Gabby Eigenmann sa kanyang ama. Si Gabby ang panganay sa lahat ng mga anak ni Mark at kinikilala na rin ang husay niya sa pag-arte.

 “And so you held my hand in yours, just like you did when I was young. But then you held it to your heart just as you slowly slipped away. Today, I said goodbye to you. I said the last I love you that you would hear. Fly free with the Lord, fly free without pain.

 “No worries, no problems, just love. Thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for the legacy you have left behind. You will be forever in our hearts, till we meet again…”

Cherie pinakaapektado

Hindi pa nagbibigay ng reaksyon sina Sid tungkol sa pagkawala ng kanyang ama pero bumaha ang pakikiramay sa mga social media account ng aktor.

Isa sa mga pinaka-affected sa pagpanaw ni Mark ang kanyang kapatid na si Cherie Gil. Kahit noong nabubuhay pa si Mark, apektadung-apektado na si Cherie na isa sa mga humihiling ng pribadong pagluluksa.

 

ANDI EIGENMANN ANG THE LEGAL WIFE BILIBID BOYS CHERIE GIL GABBY EIGENMANN KANYANG MARK SID LUCERO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with