Chiz sa engagement nila ni Heart: 'Ako 'yung big winner'
AJ Bolando (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2014 - 10:22am

MANILA, Philippines - Matapos makuha ni Senador Chiz Escudero ang matamis na oo ng kanyang girlfriend na si Heart Evangelista, sa tingin ng mambabatas ay siya ang "Big Winner."

Sa eksklusibong panayam ng mag-fiancè sa Startalk ay sinabi ng Senador na kahit hindi siya kasing kisig, gwapo at talentado ng mga ex-boyfriend ni Heart ay tila nakuha niya ang tagumpay nang pumayag ang Kapuso star na makasal sa kanya.

"Hindi man ako kasingtalino, kasinggaling umarte, kasinggaling kumanta, kasinggaling sumayaw, kasing macho, basta alam ko noong umoo ka, ako ‘yung big winner,” wika ni Chiz kay Heart nitong kamakalawa.

Nag-propose ang senador noong Agosto 23 kung saan hindi sinasadyang kinilalang "Big Winner" ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother All In ang dating kasintahan ni Heart na si Daniel Matsunaga.

Nagpapasalamat din si Chiz na sa hirap ng pinagdaanan nila ay nalampasan nila ito.

Kabilang dito ang pagtutol ng magulang ni Heart sa kanilang relasyon at ang pagkakakasal ng senador sa dating asawa na nagbunga ng dalawang anak.

“Siguro bibihira ‘yung binibigyan ng pagkakataon na makita ‘yung hinahanap mo. At pagkatapos ng akala mo nakita mo na, hindi pala," wika ni Chiz.

"Kaunti lang siguro ‘yung masuwerteng magkaroon ng pangalawang pagkakataon na makita ‘yun sa isang buhay,” dagdag niya.

Pangako ng senador sa mundo ay: "Hindi ko pababayaan si Heart ano man ang mangyari.”

AGOSTO BIG WINNER CHIZ DANIEL MATSUNAGA HEART EVANGELISTA PINOY BIG BROTHER ALL IN SENADOR CHIZ ESCUDERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with