^

Petsa ng kasal pinag-iisipan pa Sen. Chiz naghahanda pa para mamanhikan sa nanay ni Heart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2014 - 12:00am

PIK: Mapapanood na sa Celebrity Bluff ang nai-tape ng mga beauty queen na naglaro para sa kalahating milyon pisong jackpot.

Special guests sina Shamcey Supsup kasama ang asawa niyang si Lloyd Lee, si Venus Raj at Ken Alfonso, at sina Ervic Vijandre at Ariella Arrida.

Kapansin-pansin ang dedmahan nina Ervic at Ariella na kabi-break lang pala nung nag-tape sila ng episode na iyun.

Pero riot ang episode na ‘yun dahil sa mga kagagahan ni Boobay na isa sa mga bluffers kasama si Jose Manalo.

PAK: Kahit itinatanggi ng mga anak ng kilalang aktor na may malubha itong karamdaman, pinag-uusapan ng ilang taong malapit sa kanya na cancer ang sakit nito.

Labas-masok na raw ng hospital ang aktor at nandyan naman ang suporta at pag-aalaga sa kanya ng kanyang pamilya.

Nakita ito ng isang kaibigang artista at nagulat daw siya sa sobrang payat nitong aktor.

Ayaw na raw kasi ng pamilya na gawing isyu pa iyun at pag-usapan pa sa publiko.

Kaya kapag natatanong ang mga anak nito tungkol sa kalagayan ng kanilang ama, pawang positibo ang kanilang sagot.

BOOM: Ngayong linggo pa lang daw magdi-decide kung anong date ang gusto nilang magpapakasal ni Sen. Chiz Escudero.

Ang sabi kasi ni Heart Evangelista, siya ang masusunod sa date. Kaya susunod na lang daw si Sen. Chiz kung kailan gusto ng aktres.

Hindi pa raw niya masasabi kung isasabay sa birthday niya sa February 14, pero mas type din daw sana nila na hiwalay na araw iyun.

Ang mahalaga okay na raw sila ng magulang ni Heart at tanggap na nila na magpapakasal na ito.

Pero ramdam daw ni Heart na hindi pa ganun kahanda ang Mommy at Daddy niya, kaya hindi pa raw nila ito kinakausap para pormal na mamanhikan.

Darating daw ang araw na iyun sabi ni Sen. Chiz, hindi lang daw sila nagmamadali.

 

ARIELLA ARRIDA CELEBRITY BLUFF CHIZ CHIZ ESCUDERO DAW ERVIC VIJANDRE HEART EVANGELISTA JOSE MANALO KAYA KEN ALFONSO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with