^

PSN Showbiz

Umaming si Dra. Vicki Belo ang pinaka-nagmahal sa kanya... Hayden Kho haharap sa Face the People!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharap ang sikat at kontrobersyal na doctor na si Hayden Kho sa social reality talk show ng TV5 na Face The People ngayong Biyernes (Agosto 29). 

Una siyang nakilala bilang isang bata at gwapong doktor na karelasyon ng sikat na doktor ng mga artista na si Vicki Belo. Naging parte rin siya ng Belo Medical Group. 

Tuluyan na ngang nabago ang mundo ni Hayden ng naglabasan ang mga sex video scandals na nagsasangkot sa kanya at iba-ibang mga kapareha kabilang na nga ang ilang mga artista.

Sa kanyang ekslusibong paglalahad sa Face The People, mangiyak-ngiyak na inalala ni Hayden ang mga pinag-daanan niya: ang kanyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, makailang-ulit na suicide attempt, at mga pang-aabandona ng mga taong itinuring niyang kaibigan.

Isa nga sa mga hindi nang-iwan kay Hayden ay si Dra. Vicki Belo. Aminado si Hayden na si Vicki ang pinakanagmahal sa kanya at talagang tinulungan siya nitong makabalik ulit mula sa kanyang pagkabigo.

Ngunit hindi lahat ay kumbinsido sa pagbabago daw ni Dr. Hayden.

Samantala, iginiit naman ng malapit na kaibigan ni Hayden na si Dra. Karen Lipana na nagbago na nga si Hayden. Ibang-iba na daw ito sa nakilala niya noong magkasama pa sila sa UST at talaga namang dedicated na ang doktor sa kanyang pag-aaral ng salita ng Diyos.

Matatanggap pa ba ng taumbayan si Doc Hayden? O matatagalan pa bago niya makamit ang inaasam niyang ikalawang pagkakataon? Tutukan yan sa Face The People ngayong Biyernes, 10:15 ng umaga sa TV5 bago ang Let’s Ask Pilipinas! 

 

ASK PILIPINAS

BELO MEDICAL GROUP

BIYERNES

DOC HAYDEN

DR. HAYDEN

FACE THE PEOPLE

HAYDEN

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with