Carding maglaladlad na!
(Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kasali sa isang beauty contest si Precious (Zarah Mae Deligero) sa school. Nang manalo ito, una pang mapapatalon sa tuwa sina Car­ding (Gabby Eigemann) at Lexi (Gardo Versoza). Pagkatapos magkunwari ni Carding na lalaki sa school ng ilang araw, malaladlad na ang tunay niyang katauhan. Pero hindi katulad ng mga magulang na nakasalamuha ni Carding sa probinsya, tanggap siya ng mga magulang sa bagong school ni Precious sa Maynila.

Hindi na kakayanin ni Beth (Glaiza de Castro) na pi­gilan ang nararamdaman kay Joemer. Isang araw, mag­dedesisyon sila ni Joemer (Benjamin Alves) na magkita sa condo ng huli. Hihintayin ni Joemer ang pag­dating ni Beth sa condo pero laking gulat nito nang si Celine (Chynna Ortaleza) ang dumating.

Laking gulat ni Joemer nang makitang si Celine pala ang dalaw niya at hindi si Beth. Umuwi ito ga­ling Amerika para kumprontahin si Joemer kung ano ang nangyayari dito at bigla na lang itong hindi sumunod sa Amerika at umatras sa kasal nila. Hindi pa man naipapaliwanag ni Joemer ang sarili ay dadating si Beth. Kakabahan si Beth nang makita si Celine. Hindi naman papasukan ng malisya ang isip ni Celine kung bakit nandoon si Beth. Magpapalusot si Joemer na napadaan lang si Beth dahil may ginawa siyang project ni Precious. 

Nang palabas na si Beth sa condo, makikita nitong humahabol si Joemer. Aawatin ito ni Beth at sasabihing itigil na nila ang kalokohan nila. Sasabihin ni Joemer na mahal niya si Beth pero babalewalain na ito ng huli.

Sa pag-uwi ni Beth sa probinsya, ipapakita ni Precious ang ginawa niya sa talent portion na sinalihang pageant sa school kung saan siya nanalo. Hindi ito napuntahan ni Beth dahil sa trabaho. Mapapaiyak si Beth. Papalabasin na lang nitong natutuwa siya sa kabibuhan ni Precious kahit ang totoo nama’y inuusig siya ng konsensya niya dahil saglit niyang naisip na makipagbalikan kay Joemer.

AMERIKA BENJAMIN ALVES BETH CELINE CHYNNA ORTALEZA GABBY EIGEMANN GARDO VERSOZA JOEMER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with