Nora Aunor tatanggap ng Gawad Plaridel
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2014 - 12:00am

Hindi man nahirang na National Artist ang superstar na si Nora Aunor, patuloy naman siyang nakakatanggap ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Ngayong araw, sa ganap na ika-2 ng hapon, nakatakdang tumanggap si Guy ng panibagong parangal, ang Gawad Plaridel (named after Marcelo H. del Pilar), pinakamataas na parangal na ibinibigay ng University of the Philippines. Ito’y nakatakdang gaganapin sa Cine Adarna ng UP Film Center.

Bago ito, si Guy ang nanalong Best Actress sa Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Hustisya.

 

Rachelle at Mark magkasama na sa London, malamang magka-debelopan doon

Pasok ang pop singer na si Rachelle Ann Go sa 15 of the Hottest Women in the West End na lumabas sa isang blog.

Si Rachel ang gumaganap sa role na Gigi sa revival ng Miss Saigon sa West End na nagpasikat kay Lea Salonga.

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Ra­chelle Ann in May next year, that is, kung hindi magbabago ang kanyang isip to extend her stay in London.

Kahit limang buwan pa lamang sa London si Rachelle Ann, nakapag-adjust na siya sa lugar at klima at marami na rin siyang mga kaibigan doon including Filipinos na roon na naka-base. Natutuwa rin si Rachelle kapag binibisita siya ng mga kaibigan niya sa showbiz at nakapanood na ng Miss Saigon sa London dahil ito’y naka­kabawas sa kanyang pagka-homesick.

Ngayong nasa London na rin ang kaibigan at kasamahan niya sa Viva na si Mark Bautista, magkakaroon siya ng pagkakataon na panoorin si Mark sa West End musical play nitong Here Lies Love at malamang na panoorin din siya ni Mark sa Miss Saigon.

Mark and Rachelle Ann are both loveless.  Malay mo, Salve A. na sa London ma-develop ang love affair ng dalawa na naudlot noong nagsisimula pa lamang sila pareho sa showbiz.

BEST ACTRESS CINE ADARNA CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL FILM CENTER GAWAD PLARIDEL HERE LIES LOVE HOTTEST WOMEN MISS SAIGON WEST END
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with