Daniel Matsunaga big winner sa PBB All In
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2014 - 10:39am

MANILA, Philippines – Wagi ang modelong si Daniel Matsunaga sa ABS-CBN reality show na “Pinoy Big Brother All In.”

Kinilalang big winner si Daniel sa finale ng reality show kagabi, kung saan dinaig niya ang 18 contestants sa bahay ni “Kuya.”

Nagpasalamat ang Brazilian-Japanese model sa mga bumoto sa kanya upang manalo.

"This is an amazing experience... I am a true Filipino, and I'm very proud to say that dahil sa pag-ibig ninyo sa akin dito," wika ni Daniel.

"I'm thankful first to God who gave me this opportunity. One day, sinabi Niya sa akin na I have a purpose dito sa Pilipinas. And I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo. Thank you for all the love."

Nakakuha ng net vote na 11.69 percent si Daniel, kung saan 18.52 percent ay mga botong para manalo si Daniel, habang -6.83 percent ay para ma-evict siya sa bahay.

Maiuuwi ni Daniel ang P1 milyon premyo at isang house and lot.

BRAZILIAN-JAPANESE DANIEL DANIEL MATSUNAGA KINILALANG KUYA MAIUUWI NAGPASALAMAT NAKAKUHA NIYA PILIPINAS PINOY BIG BROTHER ALL IN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with