Young actress hindi nagbubura ng make-up, hindi rin naliligo pag giniginaw
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2014 - 12:00am

PIK: Tuloy ang kasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa October ng taong ito na gagawin nila sa Amerika.

Pero bago ‘yan, sumali muna sila sa Celebrity Bluff na mapapanood mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman, at talagang kinarir nila nang husto.

PAK: Naririnig naming pinag-uusapan ng dalawang make-up artist sa isang taping ang magandang young actress na pareho nilang inaayusan.

Nagsi-share sila ng karanasan nila kay magandang young actress na hindi pala mahilig maligo.

Naloloka raw sila dahil pagdating daw ni young actress sa set, fully-made up na ito. Magpapaayos na lang daw ng buhok.

 ‘Yun pala, hindi na niya binura ang make-up niya nung nakaraang araw. Hindi na siya naligo.

Kaya naloka ang mga make-up artist nang binlower ang hair ni magandang young actress, umusok ng makapal.            

Sinabihan ito ng make-up artist bakit hindi man lang siya naligo muna, para mabura ang make-up at mabanlawan ang buhok.

“Malamig eh,” sagot lang daw sa kanya ni young actress.

BOOM: Si Lian Paz ang isa sa sobrang apektado sa pagkamatay ng dati nilang kasamahan sa EB Babes na si Maiko Bartolome.

Isa si Maiko sa nalunod sa flashflood sa Bulacan nung nakaraang Lunes, at nagulat si Lian nang nalaman niya ang sinapit sa malagim na trahedya ng kanyang kaibigan at kamag-anak na rin dahil magpinsan daw ang Mommy niya at ang Mommy ni Maiko.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw nag-sink in kay Lian na wala na si Maiko, at naawa raw siya sa 4-year old baby nito na ginaya pa raw ang pangalan nito sa pangalan ng mga anak niya na nagsisimula sa X.

Ngayong araw ay pupunta silang mga EB Babes sa burol ni Maiko.

AIZA SEGUERRA AMERIKA CELEBRITY BLUFF LIAN LIAN PAZ LIZA DI MAIKO MAIKO BARTOLOME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with