Angel enjoy na enjoy sa bakasyon, nagka-time na rin kay Luis
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2014 - 12:00am

Matagal nang nagtapos ang The Legal Wife na huling teleserye na ginawa ni Angel Locsin. August 9 din nagtapos ang I-Shine Talent Camp 3 kung saan naging acting mentor ang aktres. Ngayon ay nilulubos daw ni Angel na makapagpahinga kasama ng kanyang mga mahal sa buhay. “Right now kasi, ine-enjoy ko muna ‘yung pahinga ko, bakasyon. Marami akong ginagawa sa buhay ko ngayon, sa personal. I’m very happy,” nakangi­ting pahayag ni Angel. Kailangan daw makapagpahinga ng dalaga pagkatapos ng isang bigating teleserye na kanyang nagawa. “Parang med­yo na-drain kasi tayo doon. Ngayon, ito lang ‘yung time ko with my family, sa boyfriend ko. Basta may mga ginagawa ako, malalaman n’yo na lang ‘yun sa takdang panahon,” dagdag ni Angel.

Samantala, kamakailan ay itinanghal na Best TV Actress ng Eduk Circle Awards si Angel. Nanalo naman bilang Best Game Show Host ang kasintahang si Luis Manzano. “Ang sarap ng pakiramdam na itong araw na ito, kasama ko ‘yung napakaimportanteng tao sa buhay ko. Ang sarap ng pakiramdam na naise-share mo itong araw na ‘to sa taong mahal mo. Nandito kami nagpapasalamat kami sa mga estudyante na bumuto sa amin at tingin nila karapat-dapat kaming manalo rito,” pagtatapos ng aktres. “Awards like these are different and kind of special. Kumbaga boto ito ng mga estudyante at mga teacher. Ibang klaseng acknowledgement ang nabibigay kapag alam mong sa kanila galing. Thank you, it’s the first and hopefully not the last,” nakangiting pahayag naman ni Luis.

Shaina ayaw mag-no kay Sam

Masaya raw si Shaina Magdayao kahit wala siyang karelasyon ngayon. “For the first time I am really happy na ako lang siguro. It comes with age na mas secure ka siguro maski wala kang partner. Mas buo ako ngayon, maybe mas magiging maganda ang next relationship ko,” makahulugang pahayag ni Shaina.

Si Sam Milby ang sinasabing bagong nangliligaw daw sa dalaga kaya madalas makitang magkasama ang dalawa. “We’ve been seeing each other. Nagkakasama kami with our other friends and non-showbiz friends. Maybe because I have time right now and he has time right now. But courtship? Maybe siya na lang ang tanungin n’yo at pangit naman na sa babae manggaling,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Si Sam na kaya ang muling magpapatibok sa puso ng aktres? “Gaya ng lagi kong sinasabi, ayokong mag-close ng doors. Ayokong mag-no. Ayokong magsalita nang tapos kasi hindi natin alam. But he is a decent man and mabait naman. So we’ll see,” giit ng dalaga.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN AYOKONG BEST GAME SHOW HOST EDUK CIRCLE AWARDS I-SHINE TALENT CAMP LEGAL WIFE LUIS MANZANO NGAYON SHAINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with