^

PSN Showbiz

LT may brace ang likod matapos madulas sa shopping mall

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Babalik na rin si Lorna Tolentino sa taping ng My Destiny.

Hindi nakapag-taping si LT dahil nadulas ito nang magpunta siya sa Greenhills Shopping Complex noong isang araw.

Na-confine si LT sa Cardinal Memorial Medical Center pero pumayag na ang kanyang mga doktor na umuwi siya ng bahay.

Nilagyan si LT ng brace sa likod at hindi ito magiging problema sa mga eksena niya sa My Destiny dahil may explanation sa kuwento ng primetime teleserye ng GMA 7.

Hangang-hanga si LT sa security personnel ng Greenhills Shopping Complex na tumulong sa kanya. Alerto at alam na alam daw ng security personnel ang mga dapat gawin. Ipinapaabot ni LT ang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanya.

Mother Lily nakatanggap ng magandang regalo

Magandang birthday gift kay Mother Lily Monteverde ang Grade A na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa Somebody To Love.

Kahapon ang kaarawan ni Mother at kahapon din lumabas ang grade ng CEB sa kanyang pelikula na ngayon ang opening day sa mga sinehan.

Isa lang ang ibig sabihin ng Grade A ng CEB, maganda ang Somebody to Love kaya hindi ito nakapanghihinayang na panoorin.

Alang-alang sa mga kaibigan Ipe sa kulungan magbi-birthday

Kung kahapon ang 75th birthday ni Mother Lily, ngayon naman ang birth anniversary ni Fernando Poe, Jr.

Kung nabubuhay si Kuya Ron, 75-years old na rin siya dahil magkaedad sila ni Mother.

Holiday bukas dahil gugunitain ang death anniversary ni former Senator Ninoy Aquino.

Ni sa panaginip, hindi naisip ni Phillip Salvador na darating ang araw na maging holiday din ang kanyang birthday.

Turning 61 si Ipe na nagkaroon ng koneksyon kay Senator Ninoy dahil sa naging relasyon nila noon ni Kris Aquino.

Hindi ako sure kung may plano si Ipe na magkaroon ng birthday party. Hindi madali sa kanya ang magdiwag ng kaarawan dahil nakakulong ang dalawa sa close friends niya, sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.

Regular na dumadalaw si Ipe sa kulungan nina Bong at Papa Jinggoy sa PNP Custodial Center. Hindi ako magugulat kung piliin ni Ipe na ipagdiwang ang birthday nito sa Camp Crame para magkasama-sama sila ng kanyang mga kaibigan.

Boyet diretso sa trabaho pagbaba ng eroplano

Sa Biyernes ang balik ni Christopher de Leon mula sa San Francisco dahil binisita niya uli ang kanyang anak na si Miguel.

As usual, didiretso si Boyet sa taping ng Ikaw Lamang ng ABS-CBN dahil ang mga eksena nila ni Amy Austria ang kukunan.

First time na magkakaroon ng eksena sina Boyet at Amy, dahil noong Lunes lamang nag-taping ang huli.

Hanga ako sa dedication at professionalism ni Boyet. Kahit pagod, magre-report siya sa taping ng Ikaw Lamang dahil sa mga eksena nila ni Amy na kailangang ipalabas.

Ang professionalism at dedication ang ilan sa mga sikreto ni Boyet at ng ibang mga artista kaya nagtatagal sila sa industriya.

Jobert umigay ang pangalan nang muntik magpatiwakal

Mama Salve, may nagkuwento sa akin na witness ka raw sa attempted suicide ng comedian na si Jobert Austria na nameless para sa ibang mga tao.

Nangyari ang insidente noong Sabado at ayon sa source ko, na-sight ninyo ng another entertainment editor ang eksena pero hindi n’yo kilala ang mhin na nagtangka na tumalon mula sa mataas na building sa kanto ng Quezon Avenue at Roces Avenue.

Biglang pinag-usapan si Austria dahil sa stunt niya noong Sabado. ’Yun nga lang, nega ang mga reaksyon sa kanyang ginawa at pang-aabala sa mga pulis ng Quezon City. (Hahaha. Traffic kasi po at maraming bombero kaya naki-tsismis kami.SVA)

BOYET

DAHIL

GRADE A

GREENHILLS SHOPPING COMPLEX

IKAW LAMANG

IPE

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user