Lyca pang-best actress ang effortless na pag-iyak sa MMK
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2014 - 12:00am

SEEN: Natalbugan ng effortless acting ng The Voice Kids Champion Lyca Gairanod sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado ang “Please give me an award” performance ng character actress na si Malou De Guzman na gumanap na nanay niya. 

SCENE: Exclusive na mapapanood sa Cinema 7 ng Robinson’s Galleria ang digitally restored version ng Virgin People, isa sa mga masterpiece ng yumaong direktor na si Celso Ad Castillo. Nagpapasalamat ang mga anak ni Celso sa ABS-CBN at Central Digital Lab sa pagpapahalaga na ibinigay sa pelikula ng kanilang ama.

SEEN: Natapos ni Anne Curtis noong Sabado ang dubbing para sa mga eksena niya sa The Gifted, ang dark comedy movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan sa September 3.

SCENE: Hindi bagay sa isang debutante ang gown ni Thea Tolentino sa kanyang 18th birthday celebration noong Sabado.

SEEN: Best Film sa 67th Locarno International Film Festival ang Mula Sa Kung Ano Ang Noon ng direktor na si Lav Diaz. 

SCENE: Si Gloria Diaz ang number one critic ni Isabelle Daza dahil siya ang nagsasabi kapag nakukulangan siya sa acting ng kanyang anak.

Mapapanood si Isabelle sa Somebody To Love bilang bedmate ni Matteo Guidicelli. 

SEEN: Magsisimula sa September ang nationwide auditions ng Starstruck VI at mag-uumpisa sa January 2015 ang television airing ng talent search program ng GMA 7.

 

ANNE CURTIS BEST FILM CELSO AD CASTILLO CENTRAL DIGITAL LAB ISABELLE DAZA LAV DIAZ LOCARNO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL MAALAALA MO KAYA SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with