Staff ng GMA 7 kabado: Pilot telecast ng serye ni Dennis katapat ng Big Night
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2014 - 12:00am

SEEN: May mga narimarim sa pahayag ni Dionisia Pacquiao na hindi problema ang sex sa relasyon nila ng kanyang young boyfriend. “Inspire na inspire“ daw siya dahil sa boyfriend niya. 

SCENE: Ang frequent primetime plug ng ABS-CBN sa teaser ng Talk Back and You’re Dead na malaking tulong upang lalong makilala ang love team nina Nadine Lustre at James Reid.

Co-producer ng Viva Films sa Talk Back and You’re Dead ang Star Cinema.

SEEN: Llyod Zaragoza ang wrong spelling ng pangalan ni Lloyd Zaragoza sa OBB ng Hawak Kamay ng ABS-CBN.

SCENE: Contract star ng GMA Artist Center si Zymic Jaranilla, ang younger brother ni Zaijian Jaranilla.

Mapapanood si Zymic sa remake ng Yagit ng GMA 7. 

SEEN: Kabado ang staff ng Sa Puso Ni Dok dahil ang big night ng PBB All In ang katapat ng kanilang pilot telecast sa August 24.

Si Dennis Trillo ang bida sa Sa Puso Ni Dok, ang medical drama series ng GMA 7. 

SCENE: Pinagpalit ng GMA 7 ang timeslot ng Wish Ko Lang at Startalk. Simula kahapon, tuwing 4:30 pm hanggang 5:15 ang timeslot ng Startalk at 3: 45 pm ang Wish Ko Lang.

ALL IN ARTIST CENTER DIONISIA PACQUIAO HAWAK KAMAY JAMES REID LLOYD ZARAGOZA SA PUSO NI DOK TALK BACK AND YOU WISH KO LANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with