^

PSN Showbiz

Aktor ayaw nang magpakatanga sa GF na aktres na may sumpong pag bago ang leading man

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Statement kung statement ang guwapong aktor sa kanyang Instagram (IG) sa post na “Hindi ako nagbago natuto lang ako. Hindi kasi puwedeng habambuhay tanga ako.”

Walang binanggit na pangalan ang aktor at kung bakit siya nag-post nito, pero alam ng friends niya at followers kung sino ang kanyang pinatutungku­lan. Mukhang the end na nga ng on and off relationship nila ng isang aktres na sabi ng common friend ng dalawa, nakadepende sa mood ng aktres ang relasyon nila ng aktor.

Saka may record ang aktres na ‘pag may new show and new leading man, dine-deadma at idi­ne-deny na may BF siya. Ob­viously, hindi nanghinayang ang aktres sa mabait at guwapo ni­yang ex dahil pinakawalan ito.

Ogie pabor sa plano ng TV5

Nakakaaliw bisitahin ang Instagram (IG) ni Ogie Alcasid dahil puno ng pictures at video ng anak na si Nate. Sabi ni Ogie sa presscon ng birthday concert niyang Throwback Thurs­day o TBT, ginaya lang niya ang asawang si Regine Velasquez sa pagpu-post ng pictures at video ng anak nila para dumami rin ang followers niya.

Isa sa nagugustuhan ng followers ni Ogie sa IG ay ang pagtuturo niya sa anak na magbasa at very proud ito kay Nate na wala pang tatlong taon, marunong nang magbasa, magsulat, at nag-aaral na.

Samantala, nagsimula nang mag-rehearse si Ogie sa concert niya under Ryan Cayabyab na musical director ng kanyang concert. Confirmed guests sina Roderick Paulate at Jojo Alejar na sasayaw at kinukuha si Manilyn Reynes. Ang ginamit na picture ni Ogie sa poster ng Throwback Thursday ay kuha when he was in his 20’s na nahalukay niya sa kaban ng kaklase niya.

Kahit hindi apektado si Ogie sa move ng TV5 to prioritize sports, comedy and game shows dahil game show ang Let’s Ask Pilipinas at comedy ang Tropa Mo Ko Unli, okay sa kanya ang ganitong programming. Hindi raw kaya ng TV5 ang drama dahil malaki ang advantage ng ABS-CBN and GMA 7 dahil may big pool of talents.

Melissa malaki ang galit sa kaibigang nanira

Kapag pinabinyagan nina Melissa Ricks at Char­les Togesaki ang kanilang baby, tiyak na hindi kukuning ninang ni Melissa ang dating kaibigang aktres. Ang aktres daw ang rason kung bakit nasira ang relasyon ni Melissa sa ex-BF.

Marami ang curious kung anong tsika ang sinabi ng dating kaibigan ni Melissa para masira nang bongga ang relasyon nito sa ex. Pero nasa mabu­ting mga kamay daw si Melissa kay Charles dahil kayang-kaya silang big­yan ng maluhong ng kanilang magiging anak.

Hari ng Tondo dedicated kay Tita Midz

Dumalo si Armida Siguion-Reyna sa gala screening ng Hari ng Tondo last Wednesday sa CCP.  Tiyak ikinatuwa ni Tita Midz na dedicated sa kanila ng husband niyang si Atty. Leonardo Siguion-Reyna ang comeback movie ni director Carlitos Siguion-Reyna lalo’t hindi na siya masyadong naglalalabas ng bahay.

Tunog action movie lang ang Hari ng Tondo, pero family drama ito. Ang dami naming tawa dahil maraming punch lines at ginawa ang cast na nakakatawa. Mahusay din ang musical score at theme song na gawa ni Myke Solomon at na-LSS ang audience sa theme song na Sige Lang Nang Sige yata ang title na kinanta ng buong husay ni Aiza Seguerra at mga kasama nito.

Puwede pang magbida si Robert Arevalo at parang hindi siya naglagare sa shooting ng movie at taping ng Ang Dalawang Mrs. Real dito. Sana, may follow-up movie sina Cris Villonco at Rafa Siguion-Reyna.

 

 

AIZA SEGUERRA

ARMIDA SIGUION-REYNA

ASK PILIPINAS

HARI

OGIE

SHY

TITA MIDZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with