Bagong bahay nina Xian at Daniel, pinipintasan ang interior design, pinalalabas na may ginawa; Mike Enriquez nilait-lait ni Francine Prieto?!
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2014 - 12:00am

SEEN: Five years-old na ang inaalipusta na viral video at photo ni DILG Secretary Mar Roxas na basang-basa sa ulan habang tumutulong sa pag-aayos ng trapiko. 

SCENE: Ready na si Deniece Cornejo sa paglilipat sa kanya sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa mula sa kulungan niya sa Camp Crame.

Naka-empake na ang mga gamit ni Deniece. 

SEEN: Lalong naging mahusay na aktor si JM De Guzman mula nang lumabas siya sa isang rehabilitation center sa Tagaytay City.

Ang episode bukas ng Ipaglaban Mo ang unang acting assignment ni JM sa ABS-CBN matapos ang ilang buwan na confinement sa rehabilitation center. 

SCENE: Nakipagsosyo ang Star Cinema sa Viva Films sa Talk Back and You’re Dead, ang second movie ng love team nina James Reid at Nadine Lustre, ang mga bida ng blockbuster movie na Ang Diary ng Panget. 

SEEN: “Gaudy” ang opinyon ng mga tao sa interior design ng mga bagong bahay nina Xian Lim at Daniel Padilla. 

SCENE: Nakadagdag sa losyang look ni Rosanna Roces ang kanyang bungi na ngipin.

Nawala na ang pagiging banidosa ni Rosanna sa sarili. 

SEEN: Binura ni Francine Prieto ang tweet ng panglalait niya kay Mike Enriquez dahil binuweltahan siya ng mga tagahanga ng respected broadcast journalist na tinawag niya na “panget”. 

SCENE: Ang nakakaintriga na pahaging ni Francine Prieto sa defenders ni Mike Enriquez na “Baka di rin kayo matantanan kapag nalaman ninyo anong ginawa sa aken ng ipinagtatanggol ninyo. Hindi porke’t kagalang-galang sa telebisyon eh ganun na rin siya sa personal. Tigilan ninyo ako.”

 

ANG DIARY CAMP BAGONG DIWA CAMP CRAME DANIEL PADILLA DE GUZMAN FRANCINE PRIETO MIKE ENRIQUEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with