John Lloyd at Jericho mag-aagawan kay Maja

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2014 - 12:00am

Mahigit isang taon na ring walang bagong tele­serye ang actor na si John Lloyd Cruz na ang pina­kahuling ginawa ay ang A Beautiful Affair in 2013.  Ang meron siya ngayon ay ang kanyang weekly sitcom with Toni Gonzaga, ang Home Sweetie Home.

Although may ginagawang bagong movie ngayon si JLC, ang The Trial na pinagsasamahan nila nina Jessy Mendiola, Gretchen Barretto, Richard Go­mez, Enrique Gil, at Maricar Reyes mula sa direksiyon ni Chito Roño, may bagong sisimulang serye si JLC na may pamagat na Bridges at ma­ka­ka­sama niya ang dalawang stars ng The Legal Wife na sina Jericho Rosales at Maja Salvador na tinampukan din ni Angel Locsin at nagtapos last month.

Si Maja ay unang nakatrabaho ni JLC nung 2007 sa pamamagitan ng TV series na One More Chance.

Iba na namang kumbinasyon ang aabangan kina John Lloyd, Jericho, at Maja sa Bridges.

Juday hindi nagpapatalo kay Ryan

Pahinga muna ang TV Drama Queen na si Judy Ann Santos sa paggawa ng mga teleserye dahil nali­linya siya ngayon sa pagiging host na ang pinakahuli ay ang reality show na Bet on Your Baby.

Anyday soon ay eere na ang  reality show ng misis ni Ryan Agoncillo, ang reality show para sa mga couple na I Do ng ABS-CBN.

Kung ang mister ni Juday na si Ryan ay bihasa na sa hosting job bago nito pinasok ang pag-arte, hindi na rin nagpapahuli ang kanyang misis sa larangang ito na mas unang nakilala sa larangan ng pag-arte.

A BEAUTIFUL AFFAIR ANGEL LOCSIN CHITO RO DRAMA QUEEN ENRIQUE GIL GRETCHEN BARRETTO HOME SWEETIE HOME I DO JERICHO ROSALES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with