^

PSN Showbiz

Female celeb masama pa ang loob sa ex na may iba na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo ba, Salve A., na may ilang beses na rin akong nalalagay sa alanganin dahil sa mga kaibigan?

Madalas kumain sa isang kilalang Japanese restaurant sa Bonifacio Global City ang isang celebrity couple nung hindi pa sila hiwalay. Pareho naming naging kaibigan ang ex-couple na ito.  Minsan, nagawi ang ex-wife sa nasa­bing restaurant kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Mabuti na lamang at hindi sila nag­pang-abot doon ng kanyang ex-husband na kasama ang bagong karelasyon ngayon at kami naman ay dedma lang as if wala kaming alam.  Of course, kahit papaano ay nalungkot kami para sa ex-wife dahil kaibigan din namin ito.

Sa isang pagkakataon din, isa pang female cele­brity ang kumain sa nasabing restaurant na kasama naman ang husband na kaibigan niya pati ang wife nito.  Little did we know na may ugnayan na pala ang dalawa na nabuking ng wife na ma­samang-ma­sama ang loob sa kanyang itinu­ring na kaibigan na female celebrity.

Alden sinusuwerte sa Kapuso

Napakasuwerte naman ni Alden Ri­chards dahil mukhang siya ang tinututukan ng GMA to be the network’s next important male star. 

Matapos siyang ipareha sa Kapuso Prime­time Queen na si Marian Rivera sa Carmela, ang Asia’s Songbird naman na si Regine Velasquez ang next niyang makakasama bilang co-host ng bagong sisimulang reality talent search ng GMA na ang Bet ng Bayan na magsisimula na ang audition nationwide.

Regine at Ogie tutok sa anak  na si Nate

Asia’s Songbird Regine Velasquez admits na pareho silang hands-on parents ng kanyang husband na si Ogie Alcasid sa kanilang anak na si Nate. Whenever they’re both free, they make it a point na may oras sila parati sa bagets dahil gusto nila parehong masu­baybayan ang paglaki nito.

Mina-manage talaga ng mag-asawa ang kanilang quality time with their son na mukhang at age two-and- a-half ay napakabibo at mukhang magsu-showbiz din ito balang araw.

Nasa magkaibang TV network ngayon ang mag-asawa, si Ogie sa TV5 at si Regine naman ay na­natiling Kapuso. Regine has Sarap Diva at meron siyang upcoming show, ang reality talent search na Bet ng Bayan at paminsan-minsan ay napapanood siya Sunday All Stars, ang Sunday musical show ng GMA.

Si Ogie naman ay may Tropa Mo Ko Unli at host ng game show na Let’s Ask Pilipinas.

Eric may bagong ididirek na serye

Eric Quizon is back with ABS-CBN matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5.  Sinabi sa amin ni Eric na meron siyang dinidirek na bagong teleserye sa Dos na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, at JC de Vera.

Kapatid network mukhang tuloy na sa pagiging sports channel

Isang reliable source ang nagbalita sa amin na hinihintay lamang daw ng TV5 na mag-expire ang kontrata ng kanilang mga guaranteed contract stars pero hindi na umano ito ire-renew ng TV network .

A couple of years ago, nag-offer na rin ang TV network ng early retirement sa ilan nilang mga regular employees at marami umano ang nag-avail  sa offer na ito.

ALDEN RI

ANGELICA PANGANIBAN

ASK PILIPINAS

BAYAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with