Pacman babalik na sa game show
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2014 - 12:00am

Malapit na muling mapanood ng regular sa TV si Manny Pacquiao dahil may bago siyang show sa GMA 7. Pinost ni director Rico Gutierrez sa Instagram (IG) ang magiging design ng stage na may hashtag na #mp #gma na nagustuhan ng mga nakakita dahil maganda.

Hindi pa lang in-announce ng network kung ano ang title ng show, ano ang concept at kung sino ang makakasama. Based sa sketch ni Direk Rico, hindi sitcom ang gagawin ni Manny at sa ayos ng stage, parang game show ang iho-host nito.

Naalala namin, may nag-suggest dati na pagsamahin sa show sina Manny at Willie Revillame. Puwede ito kung gugustuhin ng Ch.7 dahil ayon sa balita, hindi na tuloy ang pinaplanong show ni Willie sa TV5.

Derek-Jennylyn nakunan agad na magkasama sa kama

Natuloy last Thursday ang first taping day ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na English Only Please ng Quantum Films at bida sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay. Parehong nag-post ng kanilang picture sa kani-kanyang Ins­tagram (IG) sina Derek at Jennylyn sa shooting na nakaupo sila sa kama.

Marami agad ang nagkagusto sa bagong tambalan nina Jennylyn at Derek at may nanukso pang bagay na bagay ang dalawa. This early, may fans na nagwi-wish na maging totoo ang kanilang tambalan na siguradong ikatutuwa ng dalawa dahil ibig sabihin, marami na agad ang nagkagusto sa kanilang pairing at tinawag ang mga sarili na DerJen Shippers at nangakong panonoorin ang movie nila.

Pero bago ang movie nina Derek at Jennylyn, ma­papanood muna ang aktor kasama sina Heart Evangelista, Cristine Reyes, at John Estrada sa sexy drama na Trophy Wife ng Viva Films sa direction ni Andoy Ranay. Bago ang regular showing sa July 30, may premiere night ang movie sa July 29 sa Glorietta at SM Megamall.

Samantala, hindi man natuloy ang pelikula nina Derek at Kris Aquino, magsasama pa rin sila sa TVC ng produktong i-e-endorse nila.

Ritz azul kaibigan lang ang Turing sa nali-link na direktor

Masaya ang presscon ng Separados, entry sa New Breed Category ng 2014 Cinemalaya Film Festival sa direction ni GB Sampedro.

Nagtawanan ang press sa sinabi ni Ricky Davao na ma­lambot ang labi ni Jason sa kanilang kissing scene sa nasabing pelikula na sinagot ni Jason Abalos na malambot din ang labi ni Ricky. Challenge kay Ricky na ipakitang kinikilig ang karakter niya tuwing nakikita ang karakter ni Jason.

Wala lang tatalo sa sinabi ni Melissa Mendez na masakit ang break-up nila ng dating aktor na si JC Castro dahil in-love na in-love siya rito at laking saya niya nang i-announce on national TV na pakakasalan siya nito dahil dream niyang makasal.

“Yun pala tatakbo siyang councilor at gagastos ako,” sabi ni Melissa. Winner si Direk GB na ilang beses nag-blush nang uriratin sa panliligaw diuma­no niya kay Ritz Azul. Napansin naming medyo disappointed si Direk GB sa sinabi ni Ritz na hindi pa sila at friend ang turing niya sa director.

Aljur ayaw nang makita si Kylie

Nakakatuwang magbasa ng reaction ng fans sa social media sa ginawa at gusto ni Aljur Abrenica na pagpa-file ng Judicial Rescission of Contract laban sa GMA 7. Isa sa mga comment na nagpatawa sa amin ay ang sinabi ng isang fan na kaya gustong umalis ng aktor sa Kapuso Network dahil ayaw na nitong makita ang ex-GF at kaaway.

Ang tinutukoy na ex-GF ni Aljur ay si Kylie Padilla na nasa Australia ngayon at siguradong nagulat sa move ng ex-BF. Ang kaaway naman ni Aljur na tinutukoy ay si Geoff Eigenmann.

Marami ring negative comments na kailangang mabasa nina Aljur at ng GMA 7 dahil may punto ang mga nag-comment. May naniniwala ring wake-up call ito sa aktor at sa network.

Habang wala pang ginagawa at malamang ma­tagal magka-project dahil nagpapa-release ng kanyang kontrata, gagawa raw muna ng pelikula si Aljur at ang kapatid na si Vin Abrenica. Hindi na rin kasi natuloy ang Cain at Abel, ang pelikulang pagsasamahan dapat nina Aljur at Alden Richards.

ALDEN RICHARDS ALJUR ALJUR ABRENICA ANDOY RANAY CINEMALAYA FILM FESTIVAL DAHIL DEREK JENNYLYN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with