Regine naghahanap ng magaling na singers, dancers, novelty performers, etc
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2014 - 12:00am

Oh ha simula ngayong Hulyo, magsisimula na ang auditions ng pinakabagong aabangang reality-talent search ng Kapuso Network, ang Bet ng Ba­yan. Kasama sa paghahanap ng mga Pinoy home-grown talents ang hosts ng programa na sina Asia’s Songbird  Regine Velasquez -Alcasid  at Kapuso prime leading man na si Alden Richards.

Sa Bet ng Bayan, matutunghayan ang pagsasama-sama ng mga pinakamagagaling na Pinoy singers, dan­cers, at iba pang novelty performers sa bansa. Kaya na­man inaanyayahan ang mga solo, duo, at group per­formers na may edad 15 years old pataas na maki­bahagi sa nationwide auditions ng programa na magaganap sa mga sumusunod na lugar mula 10am hanggang 6pm:  SM City Ba­colod  (July 25 & 26); SM City Cebu (July 25 & 26); SM City Fairview (August 1 & 2); SM City Sta. Rosa (August 1 & 2); SM City Gen. Santos (August 1 & 2); Iligan (Gaisano) (August 2 & 3).

Ang mga aspirant ay kinakailangang magdala ng birth certificate, picture, at ID with address.  Kailangan din na maghanda ng 1-minute act ang bawat aspirant para sa audition. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang www.facebook.com/BetNgBayan.

Pagsasama sa trabaho nina Kris at Derek itutuloy na rin

Mukhang matutupad ang wish ni Kris Aquino na makasama si Derek Ramsay sa isang project. ‘Yun nga lang hindi pelikula o palabas sa TV ang gagawin nila kundi isang commercial daw. Pwede na rin ito. O at least magkakaro’n na chance ang fans ng dalawa na makita sila sa isang propyekto. ‘Yun nga lang trabaho ito kaya huwag silang umasa na mauuwi ito sa isang romansa. Saka  nababalitang may non showbiz na si Derek at plano na raw nitong seryosohin.

Oh ay hala hintayin na lang natin ang mangyayari sa kanila.

Enchong dapat tantanan

Si Enchong Dee naman ang binabash ngayon ng netizens dahil ayaw niyang ilantad ang girlfriend niya in public. Ako rin naman bakit ko ‘yun gagawin? Kaya nga non-showbiz ang pinili niya ay para maging matahimik ang love life niya, tapos gusto nilang guluhin. Hindi na oy!

ALDEN RICHARDS CITY BA CITY CEBU CITY FAIRVIEW CITY GEN CITY STA DEREK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with