^

PSN Showbiz

Matteo binigyan ng bonggang surprise party si Sarah

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ng bonggang surprise party ni Matteo Guidicelli ang mahal niyang si Sarah Geronimo.

Sa story na lumabas sa website ng Viva, ginanap ang party last July 24, kasama ang family and friends ng pop superstar. Kahapon ang actual birthday ni Sarah.

Base sa mga litrato nila sa party, ibang level ang pagka-in love nila sa isa’t isa, sa mga hawakan at tinginan pa lang.

Kasama sa mga bisita sina Judy Ann Santos, Nikki Gil, Direk Rowell Santiago, Dra. Vicki Belo, Christian Bautista, Mark Bautista, Jimmy Marquez, Teacher Georcelle ng G Force at ilan pang kaibigan nila. Pero hindi namin nakita sa litrato ang pamilya ni Sarah.

Happy birthday Sarah.

Hindi kami nagre-release ng talent na hindi nagsasabi ng totoo - GMA

Naglabas ng official statement  ang GMA 7 sa ginawang pagsasampa ng Petition for confirmation o rescission  ni Aljur Abrenica. At kung babasahin, malabong makawala sa kanyang kontrata ang aktor.

 “GMA Network does not release its talents from their exis­ting contracts without a valid cause or basis particularly if the reasons cited by its talents are not true. We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s  complaint.”

Frozen delight ba ang magiging kapalaran ng aktor?

Wala naman pala kasi siyang pupuntahang network (ang sabi niya) nangahas siyang mag-file ng petition for confirmation. Or baka naman nakikipag-negotiate  siya under the table kaya malakas ang loob ng aktor?

LT,, Rap, Renz, at Lolit nagkasakit sa Germany

Nakaka-panic ang post kahapon sa Facebook ni Rap Fer­nandez. Nalason daw siya sa Germany.

Galing kasing Germany ang mag-iinang Lorna Tolentino, Renz, at Rap kasama si ‘Nay Lolit Solis kung saan sila nagpa-stem cell.

So tinawagan ko si ‘Nay Lolit kung anong nangyari sa kanila sa Germany.

Ang kuwento niya (LS) nagkasakit ang mag-iina sa Germany – LT, Rap, and Renz. Nilagnat daw ang mga ito at siya naman daw ay parang nanghina at bumaba ang blood sugar. Kaya nang aalis na sila papuntang Amsterdam, hindi siya makatayo. Buti na lang daw at hinihintay na siya ng mag-iina kaya binuksan ang room niya at doon nakitang hindi nga siya makatayo.

Tumuloy pa rin naman sila ng Ams­terdam. Kaya lang naka-wheelchair na lang siya (LS) from Germany going to Amsterdam hanggang sa makabalik sila ng bansa. Kuwento pa ni ‘Nay Lolit, sinabi ng mga doctor sa Germany na kailangan niyang ma-hospital doon, pero as usual nagmatigas siyang hindi siya magpapa-confine doon.

Kaya pagbalik nila ng bansa, nagkanya-kanya silang pa-check up. Si Nay Lolit ay nakailang balik sa hospital at dumaan sa maraming test pero thank God, normal ang lahat sa kanya at ang sabi ng doctor, nag-react lang ang katawan niya sa stem cell kung saan siyam na beses siyang ininjectionan sa butt.

Si Rap naman ay kailangang hindi na lagnatin ng 13 hours para makalabas sa hospital. At hindi naman daw literal na nalason. Maging sina LT at Renz daw ay naospital din dahil din sa fever. At ang sabi rin ng mga doctor, ‘di pa lang nakaka-adjust ang katawan nila sa ininject sa kanilang galing tupa.

Pero nauna nang nakapag-taping si LT for My Destiny at si Nay Lolit ay babalik na sa Startalk ngayong araw.

Marian Rivera makikipag-showdown sa dating mga nang-away

Ngayong Sabado (Hulyo 26),  pormal ng matutuldukan ang mga intriga sa pagitan nina Primetime Queen Marian Rivera, Bela Padilla at Sam Pinto dahil magsasama-sama silang tatlo sa isang dance showdown  na  matutunghayan sa musical-variety show na MARIAN.

 Sa isang pambihirang pagkakataon, mapapanood ang tatlo sa isang Lady Gaga-inspired na dance-off.  

Isang pang kontrobersyal na Kapuso actress na makakasama  sa episode ngayong Sabado ay ang Starstruck Ultimate Survivor na si Sarah Lahbati.

ALJUR ABRENICA

KAYA

NAY LOLIT

RENZ

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with