Dading mas lalong inaabangan
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tuloy ang mainit na pagtanggap ng manonood sa beki-serye na Dading na ginagampanan ni Gab­­by Eigenmann. At sa pagpapatuloy ng ku­wen­­­to, pupuntahan nito si Precious sa school nito sa probinsya. Dito na makikita ni Joemer na ang ama-ama­han pala ni Precious ay si Carding.

Mabilis na bubuhatin ni Carding si Precious at ila­layo kay Joemer. Hahabol si Joemer pero hindi na niya aabutan ang mag-ama nang sumakay ang mga ito sa tricycle. Takut na takot si Carding sa pagbabalik ng tunay na ama ni Precious.

Malalaman ni Beth na alam na ni Carding na nag­balik na si Joemer. Sa galit ng babae sa dating kasintahan, paghahahampasin niya ito nang maki­pagkita ito sa restobar ni Martin. Muling kaklaruhin ni Beth kay Joemer na hinding-hindi nito makikilala si Precious. Mapapaisip din si Beth tung­kol sa protection order para hindi na makapanggulo si Joemer.

Sa kagustuhan ni Carding na ilayo si Precious kay Joemer, maiisip ni Lexi na pasalihin sa isang gay beauty contest si Carding. May alinlangan si Carding pero mapapapayag din ito ni Lexi. Maiisip ni Carding na gamitin ang mapapanalunang prem­yo para makalipat na sila ni Precious ng Maynila. Sa paraang ito, magkakasama na rin sila ni Beth.

 

CARDING DITO EIGENMANN HAHABOL JOEMER LEXI MABILIS MAIISIP PRECIOUS SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with