Mga Gutierrez excited uli, Baby Zion masusundan na!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2014 - 12:00am

Madaragdagan ang miyembro ng pamilya ng mga Gutierrez dahil malapit nang manganak si Alexa, ang girlfriend ng former child actor na si Elvis Gutierrez.

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Alexa kaya magiging tatlo na ang mga apo na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kung tama ang intindi ko, isisilang ni Alexa sa September ang panganay nila ni Elvis.

Noong Linggo ang baby shower para kay Alexa at dinaluhan ito ng Gutierrez family, maliban kay Richard na nasa Italy dahil sa isang sports event na dinaluhan niya.

Si Baby Zion ang naging representative nina Richard at Sarah Lahbati sa baby shower.

Very close si Baby Zion sa kanyang Tito Elvis at Tita Alexa dahil ang dalawa ang madalas na nagpapasyal sa bagets noong hindi pa ito inilalantad sa publiko.

Koneksiyon ng press kay Mama Vi, sumakabilang buhay na

Nakikiramay ako sa pamilya ni Batangas Governor Vilma Santos dahil sa pagpanaw ng kanyang confidante na si Aida Fandialan. Nakikiramay din ako sa mga naulila ni Mama Aida.

Kapamilya ang turing ni Mama Vi at ng kanyang pamilya kay Mama Aida na sumakabilang-buhay noong Linggo dahil sa stroke.

Ikinalungkot ko ang balita tungkol sa sudden death ni Mama Aida na madalas na mag-text sa akin. Siya rin ang koneksyon ng mga entertainment press na may mga message na gustong iparating kay Mama Vi.

Nasa London si Mama Vi at ang kanyang mister na si Senator Ralph Recto nang ma-stroke si Mama Aida pero nakabalik na sila ng bansa noong Linggo.

Nakaburol ang mga labi ni Mama Aida sa Loyola Memorial Park, Sucat, Parañaque City at ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Huwebes, July 24.

Aljur worried na, tatlong araw na lagnat hindi pa rin gumagaling!

Nag-aalala na si Aljur Abrenica dahil three days na ang kanyang lagnat pero hindi pa rin nawawala.

Nasubukan na ni Aljur na i-take ang mga gamot sa lagnat na nakasanayan niya pero wa effect pa rin.

Nagtatanong na si Aljur sa kanyang dapat gawin para gumaling siya. Mas makabubuti na mag-consult na siya sa doktor para malaman niya ang tunay na dahilan ng kanyang lagnat. Dapat ma-realize ni Aljur na hindi rin mabuti na sinasanay niya ang sarili sa self-medication.

Pinaghandaan ang bagong serye, Rocco nagpa-beauty pa

Kahapon ang first taping day ng Hiram na Alaala, ang upcoming primetime drama series ng GMA 7.

Starring sa Hiram na Alaala sina Dennis Trillo, Kris Bernal, Lauren Young, at Rocco Nacino.

Kaba ang naramdaman ni Kris sa unang araw ng taping ng Hiram na Alaala samantalang nagpunta naman si Rocco sa kanyang favorite beauty clinic bilang paghahanda sa pagsabak niya sa kanyang bagong TV drama series.

Mapapanood sa September ang Hiram na Alaala, pati ang ibang mga bagong programa ng GMA 7 gaya ng Yagit.

Raymart may ganti kay Claudine

Naiintriga ako sa mga pasabog na picture ni Claudine Barretto na ilalabas daw ng kampo ni Raymart Santiago para mahinto na ang isyu na battered wife siya.

May nagsabi sa akin na ang mga pasabog picture ang tatapos sa kontrobersya na pumutok noong nakaraang linggo.

Matindi ang impact sa madlang-bayan ng mga sugat at peklat sa hita na ipinakita ni Claudine pero mas bongga sa akin ang pictorial niya habang dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata. Mahihirapan ang ibang aktres na talbugan ang pictorial na ‘yon ni Claudine ‘huh!

 

ALAALA ALEXA ALJUR CLAUDINE HIRAM KANYANG MAMA MAMA AIDA MAMA VI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with