^

PSN Showbiz

Sekreto ng magandang katawan nina Beyonce, Anne Hathaway, at iba pa, ibinibenta na sa bansa

RF - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang Press Event at paglulunsad ng produktong nagpapapayat  - ang Capsinesis - noong July 11 na ginanap sa Luxent Hotel, Timog, Quezon City. Some Like It Hot ang naging tema ng okasyon na dinaluhan nina Coach Toni Saret bilang endorser ng naturang produkto, Dr. Ray Salinel. Owner nito ang mag-asawang Roland Espiritu at Olai Ramos-Espiritu.                                    

Sa pamamagitan ng launching, nakumbinse ang mga dumalo sa kahalagahan ng Capsinesis hindi lamang sa pagpapa-slim ng katawan kundi sa magandang naidudulot nito  sa katawan bilang health medicine din.  

Sa katunayan, karamihan sa mga dumalong press ay nagsabing gagamitin nila ang produkto dahil sa magandang benepis­yong naidudulot nito sa kalusugan ng tao.                        

Bakit nga ba kailangan natin ang Capsinesis? Ano nga ba ang mayroon dito?

Marahil,  curious  ang lahat kung paano napapanatili ang gan­da at hotness ng Hollywood A-listers tulad nina Beyoncé, Naomi Campbell, Anne Hathaway, Liv Tyler, at Jennifer Lopez? Umiinom lang naman daw sila ng kapsula ng cayenne pepper! Ito kasi ang madaling makapagpatunaw ng taba sa katawan kaya nananatiling slim kahit walang masyadong effort.  Maganda rin daw itong anti-oxidant at lumalaban ito sa free radicals. Ayon din daw sa mga pag-aaral ang mga inaatakeng pasyente, na binibigyan ng cayenne pepper at nakikitaan ng mabilis na improvement ayon sa paliwanag ni Dr. Rey Salinel.

Ayon pa kay Dr. Salinel na ang cayenne pepper ay nagpapasigla rin sa adrenal glands para mag-produce ng mas mara­ming epinephrine o adrenaline na magpapabilis ng metabolism at bilang resulta nito ay pagbabawas ng timbang sa natural na paraan at nakakatunaw ng taba ang cayenne.

Ganito rin ang pananaw ng fitness guru na si Coach Toni Saret patungkol sa cayenne pepper. Aniya, katuwang ang tamang pagdidiyeta at ehersisyo para makamit ang isang overall health at fitness goals. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na maging endorser nito. Bilang health enthusiast alam niya ang tama at mabisang uri ng pagpapapayat kaya inirerekomenda niya ang Capsinesis. 

Ang red-hot powder na galing sa uri ng sili na ca­yenne ay napatunayan na nakakapagpigil din ng gutom at nakakapagpabilis ng calorie-burning rates.

Si Olai Espiritu, ang utak sa likod ng produkto, ay proud na sabihing ang mga kapsula nila ng ca­yenne pepper ay gawa at inimpake lahat dito sa Pilipinas.

Importante ang safety factor para kay Ms. Olai. Inabot siya ng mahabang panahon bago nakapagbigay ng go signal para sa paglalabas ng Capsinesis sa ating bansa.

Ang maganda rito, siya mismo ay makakapagpatunay nang ang kanyang mother-in-law ay nagka-hypertension. Pinalagyan lang ni Olai ng isang kapsula sa ilalim ng dila ang biyenan at nawala na bigla ang kanyang mataas na blood pressure at iba pang sintomas ng heart attack!

Para sa iba pang impormasyon sa Capsinesis, paki-contact na lang ang Landline number na (02) 705 7149 at Mobile number na 09989922774 from Monday-Sunday, 10:00am-7:00pm. 

 

ANNE HATHAWAY

AYON

CAPSINESIS

COACH TONI SARET

DR. RAY SALINEL

DR. REY SALINEL

DR. SALINEL

HOLLYWOOD A

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with