Angel isasabong kay Gov. Vi!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2014 - 12:00am

Hindi ang kahihinatnan ng pelikula ang magiging dahilan ng kaba nina Gobernadora Vilma Santos at ng manugang niyang hilaw na si Angel Locsin sa resulta ng unang pelikula na pagsasamahan nila sa Star Cinema. Sigurado namang papatok kasi ito sa takilya. Sino ba naman ang tatanggi na panoorin ang isang pelikula na magtatampok sa dalawang pi­na­kamagaga­ling na artista sa bansa, hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon? Siguradong huhusgahan din kung sino sa kanila ang mas ma­ga­ling na artista, ang Star for All Seasons  ba na ilang dekada nang namamayani o ang mas nakababatang aktres na ilang ulit na ring nakakakuha ng parangal bilang aktres?

For sure, makapagbibigay ng isang natatanging panoorin ang dala­wa dahil sigurado namang wala sa kanila ang magpapakabog sa akti­ngan. Both will surely exert effort para hindi sila mapag-iwanan ng kasama.

Ngayon pa lamang ay inaabangan na ang  pagsasama na ito ng dalawa, bagaman at baka matagalan pa ito dahil ha­hanap pa ng libreng oras ang go­bernadora mula sa kanyang napakaabalang sked at si Angel naman ay kailangang tapusin  pa ang  muling pagbuhay sa katauhan ni Darna sa isang pelikula.

Maja ni-reject ang Valentina

Samantala, kung naging very supportive si Maja Salvador sa ser­yeng The Legal Wife bilang mang-aaagaw ng asawa ni Angel Locsin, balitang tumanggi ito sa role na Valentina na inialok sa kanya para sa pagsasabuhay kay Darna sa isang movie na si Angel muli ang gaganap.

Hindi si Maja kundi ang Star Magic ang tumamggi sa nasabing role dahil baka nga naman ma-type cast na ito sa pagiging kontrabida at malimit na ang pagtanggap nito ng role bilang bida. Magaling lang talagang artista si Maja kaya pwede sa bida at pwede rin sa kon­trabida, pero ayaw naman ng Star Magic na ilagay sa alanganin ang kanyang posi­syon bilang artista at baka masayang ang maraming taon ng paghihirap nila para ito ma-establish at mailagay sa kanyang kinaluluklukan ngayon. Mas pinili ng Star Ma­gic na ilagay sa risk ang career ng maga­ling na aktres sa pagtanggap ng isang bagong hamon dito bilang isang singer. Nagla-live na ito kahit sa mga prog­rama na pwede siyang maglip-sync. Nakikinita na balang araw magiging confident pa bilang singer si Maja at magkakaron na siya ng malaking kalamangan sa marami pang magagaling na artistang babae dahil nakakakanta siya.

Sarah mas in love kaysa kay Matteo

Hindi si Matteo Guidicelli kundi si Sarah Gero­nimo ang feeling ng marami na mas in love sa kanyang karelasyon. Dahil ito ang madalas magsalita tungkol sa relasyon nila at hindi ang aktor. Eh ‘di ba sa magkakarelasyon, dapat ang outspoken ay ang guy at hindi ang girl?  Pero marami ang nakakaintindi kay Sarah kung mas proud siya sa relationship, dahil first time niya na  magboyfriend.

 “Marami ang natututunan ko sa kanya, tulad ng pagiging maikli lamang ng buhay kaya dapat ay ini-enjoy namin ito hangga’t may pagkakataon,” aniya na matapos niyang umamin  ay  tikom muli ang kanyang bibig sa kanilang relasyon. 

Melai successful sa pagbabalik!

Nakatutuwang makita na lumalabas na naman sa TV si Melai Cantiveros. Maganda rin naman ang ipinamalas niya bago siya pansamantang tumigil dahil nagbuntis siya’t nanganak. Akala ko nga ay tuluy-tuloy na ang pag-stay niya sa likod ng kamera lalo na nang masilayan siya na pagkataba-taba sa Gandang Gabi Vice. It seems may nakapag-advise sa kanya na ibalik sa dati ang kanyang pangangatawan kung gusto niyang makabalik pa siya sa pag-aartista kaya kapansin-pansin naman ang pagliit ng panga­ngatawan niya sa programang Kris TV na kung saan ay isinama siya ni Kris Aquino sa paglalakbay nito sa Macau.

Okay na rin sila ni Angelica Panganiban.

ALL SEASONS ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGANIBAN MAJA SHY SIYA STAR MAGIC
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with