Marian itinodo ang pagrampa kahit ang bigat ng suot na head dress; Louise gustong kausapin si Kylie, pagche-check in nila ni Aljur sa Subic inamin
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2014 - 12:00am

PIK: Inamin ni Cristine Reyes na ang magdamagang shooting niya sa Trophy Wife ang dahilan kung bakit siya nakapag-post sa Facebook account niya ng tipong “I hate this fuc…g job!”

Ito raw kasi ang pelikula niyang sobra talaga siyang napagod kaya hindi niya napigilang i-post iyun.

 “Pagod na pagod na talaga ako, dahil 9 a.m. na ako nakauwi. Draining na siguro kasi halos one year na namin ginagawa.

 “Eto yung masasabing pinaghirapan na literal talagang pinaghirapan namin, na paulit-ulit namin ginawa.

 “As in umiiyak na ako sa sobrang pagod, pero okay gow na!”

Kaya excited na raw siyang mapanood ito sa premiere night bago ang showing nito sa July 30.

PAK: Marami ang nagku-comment na parang ang bigat ng suot ni Marian Rivera na mala-carnival ang look.

Sobrang laki kasi ng head dress nito na mukhang nabibigatan itong maglakad.

Sabi naman ni Marian, kaya kinarir niya ang pagrampa bilang FHM’s number one Sexiest Pinay dahil pasasalamat daw niya ‘yun sa lahat na supporters niya at lahat nang bumoto sa kanya.

Ang isa pang pinalakpakan nang husto sa FHM party kamakalawa ng gabi ay si Alice Dixson na muntik nang lumuwa ang dibdib nito habang rumarampa ang aktres.

BOOM: Nagsalita na rin si Louise delos Reyes at sinagot ang mga intrigang kinasangkutan nito.

Nagsisimula na siyang mag-promote ng pelikula niyang Island Dreams na magsu-showing na sa July 23.

Kaya humarap na ito sa press para sagutin ang isyu nila ni Aljur Abrenica.

Itinatanggi nitong nagkaroon sila ng relasyon ni Aljur. Kaya ngayon lang daw siya nagsalita dahil gusto raw niyang lumamig muna ang isyu.

Sana magkakaroon na raw siya ng pagkakataong makausap si Kylie Padilla para magkalinawan sila, at pati na rin si Enzo Pineda dahil wala pa raw silang closure.

 “In God’s perfect time naman magiging maayos din naman lahat. Pinagpi-pray ko lang lahat na sana maayos, dahil nasa iisang industriya lang kami, magkikita at magkikita kami.”

Sinagot din niya ang isyung nakita silang nag-check in sa isang hotel sa Subic.

Doon daw sila nagti-taping ng Kambal Sirena kaya parang may halfway house daw sila roon na tinitigilan nila.

Hindi lang naman daw sila ni Aljur ang nakitang nag-check in doon kundi pati ang ibang staff ng Kambal Sirena.

Itinanggi rin niya ang tsismis na buntis ito. Medyo tumaba lang daw siya dahil kain lang daw siya nang kain sa taping dati ng Kambal Sirena.

Sa ngayon ay gusto raw muna niyang mag-focus sa sarili kaya balak niyang magbakasyon daw muna na mag-isa.

 

ALICE DIXSON ALJUR ALJUR ABRENICA CRISTINE REYES DAW ENZO PINEDA KAMBAL SIRENA KAYA NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with