Hunk actor parang diring-diri pag kasama sa mall ang baklang ka-on
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2014 - 12:00am

Hanggang ngayon pala, kapag naa­alala ng mga kaibigan ng isang rich gay businessman ang kakapalan ng mukha ng isang hunk actor na nakarelasyon nito, ay gusto pa rin nilang pektusan ang lalaking ‘yun.

Makapal pa kuno sa sangkalan ang face ng hunk actor, mahilig siyang magyayang mag-shopping, pero kapag nasa mall na sila ng rich gay businessman ay pinalalayo niya ito sa kanya.

Sabi ng aming source, “’Yun talaga ang hilig niya, ang ipag-shopping siya ng be­king humahawak sa kanya. Mahilig siya sa mga branded stuff, nu’n lang kasi siya nakakatikim ng imported dahil mahirap lang ang pamilyang pinanggalingan niya.

“Ang masakit lang, kapag nasa mall na sila ng dyowa niyang beki, e, ayaw niyang magkasabay silang nagla­lakad, pinalalayo niya ang beki, baka raw kasi matsismis silang magdyowa.

“Ilang dipa ang kailangang layo sa kanya ng rich gay, ‘yung walang mag-iisip na magkasama sila sa distansiyang ganu’n, pili siya nang pili ng mga gusto niyang stuff, pero malayo sa kanya ang beki!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Pero kapag bayaran na ng mga pinamili niya ay magkalapit na sila, ang beki siyempre ang taya sa lahat ng pinaghahablot niyang kagamitan, wala naman siyang datung na maipananagot du’n.

Balik sa dati ang sitwasyon kapag tapos na siyang mag-shopping, kaila­ngang sa magkaibang pintuan ng mall sila sasakay ng rich gay businessman, baka raw kasi may makakita sa kanila at kumalat ang tsismis na meron pala siyang gay benefactor.

Panandalian lang ang kinang ng bituin ng hunk actor, mabilis ding tumamlay ang kanyang career, pero matagal pa rin siyang nakarelasyon ng rich gay businessman na isang dating singer.

Clue ng aming source tungkol sa hunk actor na may makapal na face, “May giyera nu’n sa bansang pinagkunan ng name niya, ‘di ba? Wala ba kayong mga kamay? Hindi natin siya papalakpakan kundi pepektusan!”

Gov. Vi pahinga sa London, panghihiya ni Kris hindi na iniisip

Nasa London pala ngayon ang Star for All Seasons kasama ang kanyang asawang senador. Sa July 20 ang kanilang balik, gagamitin nila ang panahon sa paghahanap ng papasukang kolehiyo ng kanilang anak na si Ryan Christian, ngayon pa lang ay ihinahanda na ‘yun nina Governor Vilma Santos at Senador Ralph Recto.

Mula elementarya hanggang ngayong nasa high school na si Ryan Christian ay puro karangalan ang iniuuwi sa kanila ng bagets, proud na proud ang aktres sa pagkukuwento tungkol sa kanyang bunso, matalino na ay guwapo pa si Ryan Christian at napakamarespetong anak.

Dapat lang ding magpa­hinga ang Star for All Seasons paminsan-minsan, hindi biro ang mag-alaga ka ng isang pro­binsiyang itinuturing mo na ring anak, idagdag pa ang kontrobersiyang naglagay sa kanya sa kahihiyan kama­kailan.

Edukado lang talaga ang aktres kaya hindi na lang niya sinagot pa ang panghihiya ni Kris Aquino sa kanya, naisip siguro ng aktres-pulitiko na mas marami pa siyang ma­gagawang kapaki-pakina­bang na bagay para sa kanyang probinsiya, kesa sa big­yan ng dignidad ang ginawang panghihiya sa kanya ni Kris dahil sa mga mali niyang ispeling sa card na ipina­dala niya sa taklesang babae.

Ganu’n ang matatawag na edukado. Nasa lugar kung pumasok sa laban. At namimili ng engkuwentrong papasukin niya. Bakit nga naman siya magpapaapekto sa ganu’ng isyu lang, samantalang meron nga namang mga tao d’yan na tama nga ang ispeling ng mga salita, pero mahirap naman ispilengin ang ugali?

Sa maling ispeling na kami. Naitutuwid pa kasi ‘yun, napag-aaralan, lalo na’t wala namang perpektong tao sa mundo. Pero ang dispalinghadong ugali ay nakadikit na sa ating balat, mahirap nang baguhin, lalo na kung ‘yun na ang ating naturalesa.

Talagang sa maling ispeling na lang kami.

ALL SEASONS GOVERNOR VILMA SANTOS KANYA KRIS AQUINO LANG NIYA RYAN CHRISTIAN SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with