Ate Vi mas kampi kay Aiai?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2014 - 12:00am

Papunta ng Chiang Mai sa Bangkok si Kris Aquino this Thursday para sa third anniversary ng Kris TV. Kasama ng TV host-actress na lilipad si Pokwang.

Sa Monday na ang balik ng dalawa.

Medyo humupa na ang isyu kina Kris at AiAi delas Alas at wish ng mga nagmamahal sa kanila, hindi na uli sumambulat at hindI maging daan ang message ni Batangas Gov. Vilma Santos kay AiAi para pagsabungin uli ng fans sina Kris at AiAi. Baka pagkumparahin ang text message ni Gov. Vi kina Kris at AiAi at palabasing mas paborito nito ang isa kesa isa.

Teka lang, kung ganitong parehong close si Gov. Vi kina Kris at AiAi, puwedeng siya ang mamagitan para magkabati na ang dalawa dahil makikinig sila sa kanya. What do you think?

Maricel may kumakalat na video habang nagsasayaw

Marami ang nag-like sa video post ni direk Andoy Ranay sa Instagram (IG) na nagsasayaw si Maricel Soriano sa breaktime ng taping ng Ang Dalawang Mrs. Real. Kasama ng aktres sa kanyang dance number ang supporting actress na gumaganap na kasambahay nina Millet (Maricel) at Anthony (Dingdong Dantes).

Batay  sa video, maayos ang taping ng Ang Dalawang Mrs. Real at nagkakasayahan pa nga. Kaya nakakagulat ang mga tsika na may problema sa taping.

Speaking of direk Andoy, natutulog pa ba ito? After yata ng taping ng tele­serye, dumederetso ito sa shooting ng Talk Back And You’re Dead. Kailangan nang matapos ang movie dahil may August playdate ito.

Pagkatapos ng shooting, balik naman siya sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real at may Trophy Wife pa siyang ipapa-presscon.

Marian ipapareha sa dalawang kapamilya

Natsika sa amin na matutuloy na ang muling paggawa ng pelikula ni Marian Rivera sa Regal Entertainment. Ang sabi pa nga, kundi August ay September sisimulan ang shooting ng isa sa dalawang peliku lang gagawin ng aktres.

Si Mike Tuviera ang isa sa magdidirek ng pelikula at ang isa ay si Jun Lana. Hindi lang binanggit kung movie ni direk Mike ang mauunang gawin o ‘yung ididirek ni Jun.

Ayon pa sa tsika, parehong Kapamilya actor ang makakapareha ni Marian sa dalawang gagawing pelikula. Kaya lang, kahit anong pangungulit naming alamin kung sino ang dalawang aktor na ito, ayaw sabihin at kahit clue, hindi nagbigay ang aming kausap. Wait na lang daw nating ang announcement ng Regal Films.

Jillian mahihirap ang maIkuha ng kapareha

Napansin pala namin na kahit nine years old pa lang si Jillian Ward, malaking bulas ito at malapit nang magdalagita. Hindi kaya dapat pag-isipan na ng GMA Artist Center at GMA7 ang plano nila sa bagets at hanapan na nang makaka-love team para hindi sila mabigla at para ready sila. Para kasing wala kaming nakikita sa mga young talent ng network na babagay kay Jillian.

ANDOY RANAY ARTIST CENTER BATANGAS GOV CHIANG MAI DALAWANG DINGDONG DANTES JILLIAN JILLIAN WARD JUN LANA MRS. REAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with