^

PSN Showbiz

Iza madalas kiligin kay Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Makakatambal ni Piolo Pascual si Iza Calzado sa teleseryeng Hawak Kamay na malapit na ring mapanood sa Kapamilya Network. Matatandaang kasama dapat si Iza sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan ni Bea Alonzo pero hindi na ito natuloy. “Noong time po na sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, wala pa ito, hindi pa ito inaalok sa akin, promise. Promise, hindi pa inaalok. At that time actually, I was going to do Showtime first, which is hindi rin naman natuloy after at saka pumasok ito. Actually, there was a day my director said, ‘Iz, kailan ka magso-soap ulit?’ tapos sabi ko, ‘Ayaw ko muna, nakakapagod kasi mag-soap eh’. That very same day, I went home, my manager called me and he said, ‘Handa ka na ba mag-soap ulit? Kasama si Papa P.’ ‘Oo naman, sige.’ Handang-handa na ako,” nakangiting kwento ni Iza. Ilang beses nang nagkasama sa pelikula sina Piolo at Iza pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin daw ang dalaga sa aktor. “Masarap at magaan katrabaho, mga moments na nakakakilig. Nakatingin ka lang sa kanya tapos tinitingan ka lang niya, nakakakilig talaga,” pagtatapat ni Iza. Matagal na raw niyang pinapangarap na maging katambal si Piolo kaya masayang-masaya si Iza na nangyari na ito. “I will not deny this, this has always one of my dreams in the business to be able to be paired up with him. We’ve worked together several times. I played his wife, his wife to search for. I have played his fiancée in ‘Starting Over Again’ and I have never been his leading lady. So this has been a wonderful opportunity na humbling at saka nakakatuwa at wala akong ibang mapagpasalamatan bukod sa Diyos kung hindi ‘yung ating mga boss sa ABS-CBN,” pagtatapos ni Iza.

Vandolph masaya sa lovelife ni Zsa Zsa

Masaya raw si Vandolph para sa stepmother niyang si Zsa Zsa Padilla sa pagkakaroon nito ng bagong karelasyon. Mahigit dalawang dekadang nakasama ng Divine Diva ang ama ni Vandolph na si Mang Dolphy. “Yes of course I’m happy for her. Buhay niya ‘yon, she needs to be happy din. So okay ‘yon, at least nahanap na niya ‘yung kung saan siya sasaya ulit,” nakangiting pahayag ni Vandolph. Samantala, sa July 10 ay gugunitain ang ikalawang taon na pagmakamatay ng Comedy King kaya mayroong pinaghahandaan si Vandolph at ang iba pang kapatid sa ama. “Magkakaroon ng family mass sa Heritage, sa puntod ng dad ko. Sa July 25th, magkakaroon ng family concert sa Marikina Sports Complex, magkakaroon ng movies si erpat na ipalalabas. Magkakaroon ng mini concert ang mga Quizon at special guests,” pagbabahagi ni Vandolph. -Reports from JAMES C. CANTOS

BEA ALONZO

COMEDY KING

DIVINE DIVA

HAWAK KAMAY

IZA

IZA CALZADO

KAPAMILYA NETWORK

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with