Ate Vi mas priority ang Cocolisap kesa kay Kris!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinairal ni Gov. Vilma Santos ang pagiging Star for All Seasons sa kanyang sagot sa paliwanag ni Kris Aquino matapos niyang ‘ipahamak’ ang nanay nang kanyang aanakan sa kasal na si Luis Manzano (kay Angel Locsin) sa typograpical error at minor grammatical error sa personal note na attached sa masarap na ensaymada padala ni Ate Vi.

Ang say ni Ate Vi, mas nakatutok siya sa pesteng cocolisap kesa sa bashers na wala namang naitutulong sa mga problema ng bayan sa message na pinadala ng kanyang pinagkakatiwalaang si Tita Aida Fandialan.

 “Nothing to worry…Mas marami pa akong ma­tinding pagsubok sa buhay na nalagpasan ko…

 “Sa awa ng Diyos…Sabi ko nga…Everyday is a learning process sa buhay ng tao…kasama ako.

 “Maliit na bagay lang ito na napalaki…Alam mo, may motto akong sinusunod…ANG PROBLEMA AT CHALLENGES SA BUHAY AY DUMADAAN…

 “PADAANIN MO…WAG MO LANG ISTAMBAYAN…KASI TOMORROW IS ANOTHER DAY!!!

 “Tanggapin ang POSITIBO…Itapon ang NEGATIBO..!! Life is beautiful…Enjoy it!!

 “Ang iniisip ko ay ang COCOLISAP SA Batangas…Kasi ang katapat nito…Ay kabuhayan ng mga tao…Ito ang worry ko!! Anyway…SALAMAT!!”

Kung sabagay sigurado namang walang taga-Batangas na bashers so bakit nga naman niya pag-aaksayahan pa ng panahon.

Birthday wish ng fans kay Sarah: Hindi saktan ni Matteo!

Iisa ang birthday wish ng fans ni Sarah Geronimo para sa box-office queen. Ang hindi maudlot ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Na-trauma na yata ang fans ni Sarah dahil sa hindi magandang ending ng mga naunang naugnay sa kanya – sina Rayver Cruz and Gerald Anderson.

Pero ang say ng source, seryoso si Matteo kay Sarah kaya walang dapat ipag-alala ang fans na nagmamalasakit sa pop superstar. “Saka mabait si Matteo, mayaman pa,” dagdag pa ng isang malapit kay Sarah.

Anyway, saksihan ang engrandeng birthday bash ni Sarah sa ASAP 19 ngayong Linggo (July 6.)

Bukod sa birthday ni Sarah, may Sunday date din ang She’s Dating the Gangster phenomenal love team Kathryn Bernardo at Da­niel Padilla. Magpapakilig din ang all-star loveteams nina Kim Chiu at Xian Lim, Liza Soberano at Enrique Gil, Alexa Ilacad at Nash Aguas, at Andrea Brillante at Bugoy Cariño. 
May malaking launch din ang bagong teleserye na Pure Love kasama ang mga pangunahing bituin na sina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, Arjo Atayde, Matt Evans at ang buong cast. Ang Legal Performer na si Maja Salvadoray hahataw ng nakakamanghang supadance kasama sina Enchong Dee at Rayver Cruz. 
Nakakakapasong sexy moves ang hatid ni Cristine Reyes kasama  ang top models na sina John Spainhour at Sam Adjani; Supahdance Showcase mula sa mga dance icons na sina Shaina Magdayao,  Iya Villania, John Prats, at Ge­rald Anderson.

Megan Young ilang buwan na lang ang itatagal ng korona, Miss World 2014 nakuha uli ng GMA

 Ang GMA Network uli ang media partner ng Miss World Philippines 2014.

Ginanap ang contract signing noong  Biyernes (Hulyo 4) sa GMA Network Center at dinaluhan ng mga top officers ng Network.

Dumalo sa contract signing ang mga GMA Network officers na sina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, GMA Assistant Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz, GMA Senior Program Manager for Entertainment TV Bang U. Arespacochaga, at Program Manager for Entertainment TV Ali Nokom-Dedicatoria.

Katulad ng mga ginanap na pageants noong 2011 at 2013, muling magka-partner ang GMA Network at Miss World Philippines ngayong taon upang gawin at ipalabas ang prestigious event na ito. Noong nakaraang taon, gumawa ng mahalagang marka ang Pilipinas sa kasaysayan ng Miss World dahil si Megan Young ay ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng Miss World title.

Sa pagiging media partner ang GMA ngayong taon, masayang-masaya si Cory Qurino sa partnership. “We’ve been partners with GMA from the beginning since 2011 and we feel that there’s no better or stronger home for us than GMA. In 2011, we successfully launched the brand Miss World Philippines wherein we placed first runner-up. This 2014, Megan comes home to crown our queen. This will be the first time she will walk the Philippine stage as our very first Miss World. It will be very historic for us and we would like to share that history-making moment with GMA.”

Samantala, nagpahayag din ng kagalakan si Gozon sa pagkakapili ng Miss World Philippines 2014 sa GMA Network bilang media partner nito. “Our partnership with Miss World Philippines is getting stronger and longer, and we are very glad that we are chosen again to be its partner. That’s why we are entrusted by Cory. I’m sure she appreciated what we have done in the past.”

Ang 2014 Miss World Philippines Pageant ay gaganapin sa Setyembre at mapapanood nationwide sa Kapuso Network. Maaari itong mapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.  

                                               

 

ATE VI BRVBAR GMA MATTEO MISS MISS WORLD MISS WORLD PHILIPPINES WORLD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with