_ngayon
^

Matt Evans malaki ang ipinagbago nang magkaasawa

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2014 - 12:00am

Mid this month of July ay nakatakdang magsilang ng kanilang first born ang misis ng young actor na si Matt Evans na si Katrina Fariñas.  Baby girl ang magiging first baby nila na may nakahanda nang pangalan, Hayley Marley E­vans. 

Si Matt ay may isa ring anak na babae sa dating karelasyon, si Johneline Hickins, anak ng 80’s sexy star na si Coca Nicolas. Pinakasalan na­man ni Matt ang kanyang mi­sis na si Katrina last October 3, 2013.

Inamin ng aktor na malaki na umano ang kanyang ipinagbago magmula nang siya’y mag-asawa.  Hindi na umano siya gaanong gumigimik ngayon tulad noong binata pa siya laluna ngayong magda-dalawa na ang kanyang anak.

Samantala, hindi nagtuluy-tuloy ang pagiging lead actor ni Matt dahil pawang supporting roles na lamang ang ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.  Hindi naman ito issue kay Matt na masaya na hindi siya nawawalan ng trabaho at pinaka­bago itong Pure Love na tinatampukan nina Alex Gonzaga, Joseph Marco at Arjo Atayde.

Still on Matt, hindi na pala nito nakita at nakilala ang kanyang American father na si Thelmage Eugene Evans na nagsisilbi noon sa U.S. Air Force. 

Napag-alaman na lamang niya sa isang ka­mag-anak na sumakabilang-bu­hay ito noong  June 10, 2010 sa ata­ke sa puso.  Ipi­nagbubuntis pa lamang noon si Matt ng kanyang ina nang sila’y iwanan ng kanyang Amerikanong ama.

Si Matt ay produkto ng Pinoy Big Bro­ther.

Diether patuloy ang pananahimik

Bakit kaya tahimik ngayon ang career ni Diether Ocampo? Noong isang taon pa nagtapos ang ser­yeng Apoy sa Dagat na pinagsamahan nila nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Since then ay wala pa siyang follow-up project sa kanyang home studio, ang ABS-CBN?

Ano kaya ang bagong pinagkakaabalahan nga­yon ni Diet na kapanabayan nina Piolo at Jericho Rosales?

Bago nag-asawa si Jericho (kay Kim Jones), pare-pareho sila nina Piolo at Diet na mga binatang-ama.  Lahat sila ay may tig-isang anak na lalaki – si Iñigo kay Piolo, si Santino kay Jericho at si Dream kay Diet.

AIR FORCE ALEX GONZAGA ANGELICA PANGANIBAN ARJO ATAYDE MATT PIOLO SHY SI MATT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with