Ate Vi ginawang katatawanan ni Kris, AiAi nairita!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2014 - 12:00am

PIK: All-out ang suporta ng pamilya nina Richard Gutierrez at Lauren Young sa press preview ng pelikula nilang Overtime na ginanap sa Podium Cinema kamakalawa ng gabi.

Halos kasabay nina Tita Annabelle at Tito Eddie Gutierrez si Sarah Lahbati na hindi dala si Baby Zion nang dumating.

 Sinabi ni Tita Annabelle na mahal na mahal nila si Sarah at wala naman daw siyang kaaway.

Kaya kung ano mang isyu nila ng Mommy ni Sarah na si Esther Lahbati, wala na raw iyun.

 “Aayusin namin iyun internally. Ang media lang naman kasi po talaga ang nagpalaki niyan,” sagot naman ni Sarah kahit ang nanay niya ang nag-umpisang mag-post sa kanyang Instagram ng kanyang hinaing.

Gusto ni Tita Annabelle na positive na lang lahat lalo na’t ngayong araw na ang showing ng Overtime ni Richard.

PAK: Si AiAi delas Alas ang isa sa nagtanggol kay Gov. Vilma Santos na pinutakti ng bashers dahil sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na card na ibinigay sa kanya na kung saan may maling spelling sa dedication na isinulat ni Gov. Vi.

Sabi ni AiAi, tao lang naman din ang idol at bestfriend niya na nagkakamali rin. Hindi naman daw sukatan iyun sa pagiging mabuti ng isang tao.

 “Sana tama na ‘yan papaghingahin na natin si Ate Vi. Wala namang katurya-torya ‘yung pinanggagalingan ng bashing.”

Sinundan namin ng tanong si AiAi na hindi lang naman si Vilma ang bina-bash kundi pati na rin si Kris na nag-post nun sa kanyang IG account.

“Hayaan mo na siya! Gustung-gusto naman niya ‘yan,” deretsong sagot ng box-office queen na nagpu-promote ng concert nila ni Rico Puno na pinamagatang Macho Guwapita sa July 26 na gaganapin sa Solaire Resorts and Casino.

BOOM: Nagkita na naman ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Marikina Regional Trial Court kahapon ng hapon at patuloy nilang pinag-usapan sa harap ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig ang custody case na dinidinig.

Mukhang maganda ang magiging resulta nito dahil nagkabatian uli sila nang magkasalubong sa hearing.

Sinagot naman ng mag-asawa ang tungkol sa paglabas nila kasama ang kanilang mga anak.

Iyun lang daw muna ang paglabas nila para sa mga bata, pero wala raw silang masasabi kung saan pa hahantong iyun.

Ginawa lang daw nila iyun para sa mga bata. Si Santino raw ang nagpilit sa kanila na magpa-picture na magkasama sila, kaya pinaunlakan nila iyun.

Hindi napigilan ni Raymart na matawa nang tinanong siya kung may posibilidad bang magkabalikan sila ni Claudine.

ATE VI CLAUDINE BARRETTO EDDIE GUTIERREZ ESTHER LAHBATI GERALDINE FIEL-MACARAIG INSTAGRAM NAMAN TITA ANNABELLE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with