Dugyot na news anchor mahilig maglinis ng ilong
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2014 - 12:00am

Isang maaksiyon at masipag na tagapagbalita ng isang malaking network ang male personality na ito. Madalas siyang ipinadadala sa malalayong probinsiya lalo na kapag malaking-malaki ang balitang kailangang tutukan ng kanilang istasyon.

Kuwento ng aming source, “May kadugyutan si ____(pangalan ng male news anchor), kulang na kulang siya sa hygiene, ilang beses na kaya niyang nabibiktima ang mga kasamahan niyang news reporters?

“Mahilig siyang magtanggal ng dumi sa ilong niya, pero wala naman siyang hawak na tissue, manu-mano lang ang pagtatanggal niya ng ngotkula (read: kulangot).

“Napakahilig talaga niyang maglinis ng ilong na walang armas na tissue paper, tapos kung saan lang niya ipinapahid!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Naku, Mr. Fu na aliw na aliw sa mga kuwentong ganito, kilalang-kilala mo kung sino ang news anchor na ito. Minsan mo na siyang nakasama sa isang istasyong pinagtrabahuhan mo. Pramis.

Ubos!

Dating manager ni Angel marami raw hawak na lihim sa baul

May galit pa rin kay Angel Locsin ang dati niyang manager na si Becky Aguila. Sa tagal na ng panahong iba na ang humahawak sa karera ng dalaga ay may kinikimkim pa rin palang galit sa kanya si Becky.

Walang utang na loob. ‘Yun ang pinakabuod ng galit ng manager kay Angel. Ito raw ang humawi ng daan niya tungo sa tagumpay, pero ni pasasalamat ay wala man lang itong matanggap mula sa kanya, at ayon pa sa kuwento ay may singilin pa kay Angel ang dati niyang manager.

Matagal na naming naririnig ang mga kuwento ng galit ni Becky kay Angel. Merong naganap nu’ng sila pa ni Oyo Boy Sotto ang magkarelasyon, meron namang nangyari nu’ng ilipat nito ng istasyon ang aktres, marami raw hawak na lihim sa baul ang manager laban sa kanyang dating alaga.

Bakit hindi bigyan ng panahon ni Angel Locsin ang mga ganitong klase ng isyu? Kausapin niya si Becky Aguila, magpaliwanagan sila, sa haba ng panahong pinagsaluhan nila bilang talent-manager ay siguradong kabisado na nila ang lakas at hina ng bawa’t isa.

 

Mayor Herbert parang ala-James Yap na ang tangkad

Kung dati’y lumalakad nang walang ulo si Mayor Herbert Bautista dahil sa sobrang kahihiyang inabot niya nu’ng makipagrelasyon siya kay Kris Aquino, ngayon siguro ay bawing-bawi na ‘yun, nakataas-noo na ngayon ang aktor-pulitiko at parang ang tangkad-tangkad niya dahil sa insinwasyon ng paghahabol sa kanya ng aktres-TV host.

Siya lang daw kasi ang minahal nang ganito ni Kris, maraming leksiyon ng katotohanan ng buhay raw ang napulot sa kanya ni Kris, pero siya rin pala ang mananakit sa puso ng babaeng nagmahal sa kanya nang wagas at lubos.

Kung mahaba ang buhok ni Mayora Tates Gana ngayon ay parang napakatangkad naman ni Mayor Bistek. Parang kasintangkad niya si James Yap, parang super-guwapo si Mayor Herbert, kung ang paglalarawan sa kanya ni Kris Aquino ang ating paniniwalaan.

Sa kasalukuyan ‘yun. Bukas ay baka iba na ang kuwento. Iba pa rin sa isang bukas at sa mga darating pang araw, linggo at buwan.

ANGEL LOCSIN BECKY BECKY AGUILA JAMES YAP KRIS AQUINO MAYOR BISTEK MAYOR HERBERT MAYOR HERBERT BAUTISTA NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with