^

PSN Showbiz

Piolo gusto ng baby kaso 'walang katulong gumawa'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil malaki na ang kanyang kaisa-isang anak, aminado si Piolo Pascual na nami-miss niyang mag-alaga ng bata.

Sinabi ni Piolo na para maibsan ito ay inilalabas niya ang kanyang pamangkin, habang kapag na sa shootig naman ay nakikipaglaro sa mga batang sina Zaijan Jaranilla, Zyriel Manabat, Andrea Brillantes at Yesha Camille na pawang kasama niya sa family drama na “Hawak Kamay.”

Dagdag niya na handa naman siyang magkaroon ng bagong baby, ngunit wala lamang siyang katulong gumawa ng bata.

"(Mahirap) makahanap nang makakatulong gumawa. You know, that's the hardest part of the equation," wika ni Piolo habang nakangiti.

Sa kabila ng kagwapuhan, magandang career at buhay, nahihirapan si Piolo na makahanap ng kasama sa buhay.

"I don't want to have a kid without getting married. My son had a hard time and it wasn't his choice. So if I find my future children a solid family, that will be nice."

Habang patuloy ang kanyang paghahanap ng makakatulong sa paggawa ng bata ay naka-focus muna aniya siya sa kanyang career.

"I want to thank ABS for the continued trust. Mahirap, there's pressure. But with everything you do there's challenge, there's pressure. But just go with the flow, maximize your time and give your best," sabi ni Piolo.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

DAGDAG

DAHIL

HABANG

HAWAK KAMAY

MAHIRAP

PIOLO

PIOLO PASCUAL

YESHA CAMILLE

ZAIJAN JARANILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with