^

PSN Showbiz

Juday nagulat sa panibagong blessing na natanggap

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mapapanood na sa August ang pangalawang season ng Bet On Your Baby. Naging matagumpay ang unang season ng nasabing programa ni Judy Ann Santos sa loob ng pitong buwan na nagtapos noong May. “We are very, very happy na babalik ulit kami on air. Mas exciting, mas maraming prizes silang makukuha. Mas masaya, mas nakakanerbiyos siguro. We are very happy na makakasama ko ulit ‘yung staff,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Ito ang pangalawang pagkakataon ng aktres na makapag-host ng isang game show. Para kay Juday ay masarap sa pakiramdam na marami siyang napasasayang mga pamilya sa pamamagitan ng kanyang programa. “Every after taping day, alam mong may napapasaya kang pamilya lalo na kapag nakukuha nila ‘yung jackpot. I always pray at night thanking God na ginagamit niya akong instrument na nagpapasaya ako ng mga tao. Blessed ako for having such great staff and such good show, na nagkaroon ng faith ang ABS-CBN sa akin na gawin akong host ng Bet On Your Baby,” paliwanag ng aktres.

Nagulat daw si Juday nang mabalitaang magkakaroon ng season 2 ang kanyang palabas. “Nabigla kaming lahat kasi hindi namin in-expect na may date na pala kasi. Wala pa kaming naka-calendar na taping. Pero ang blessing ay blessing. Sino naman ako para sabihing teka muna, hindi pa ako prepared. We are always prepared for whatever na blessing na ibibigay sa amin na show, pelikula man o teleserye,” pagtatapos niya.

Dina walang pakialam kina Vic at Pauleen

Kasama si Dina Bonnevie sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan ni Bea Alonzo. Magsisimula na ito ngayong June 17 sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Kahit abala sa pagiging asawa kay Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano ay binabalanse din daw ng aktres ang kanyang trabaho. “I’m really a workaholic. Hindi ko na siguro matanggal sa akin ‘yun na parang siguro if I don’t work I’ll die. Kapag hindi ako nagte-taping, may ginagawa nga akong label, ‘yung mga bags. That’s actually the advocacy of my husband. Kasi he wants to promote Ilocos products and as the wife of the vice governor, tinutulungan ko siya na i-promote ‘yun,” pagbabahagi ni Dina.

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang aktres tungkol sa relasyon ng dating asawa na si Vic Sotto kay Pauleen Luna. “Of course a lot of people probably judge Pauleen kasi parang bata ‘yan. ‘How can she be falling in love with a 60-year old, come on, ‘di ba? Parang it’s next to impossible, pero hindi natin ma-judge ‘yung tao eh. Iniisip ko na lang parang through all this, she has to deal with Danica, with Oyo (anak nina Vic at Dina), with Vico (anak ni Vic kay Coney Reyes) and Paulina (anak ni Vic kay Angela Luz) and that’s not an easy task to do. So the mere fact na nandiyan s’ya, eh di it must be something. Ako, never ako nakikialam pero of course Coney and Angela, nakikita pa rin niya every week. Ako at least out na ako diyan. I have my own life now. Siguro for him, first of all I wish him good health and his own happiness. If his happiness means being with someone who can take care of him, who can sincerely be with him through thick and thin, in sickness and in health, then fine,” paliwanag ng aktres.     -Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

AKO

ANGELA LUZ

BEA ALONZO

BET ON YOUR BABY

CONEY AND ANGELA

CONEY REYES

DINA

DINA BONNEVIE

ILOCOS SUR VICE GOVERNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with