Kylie ayaw balikan si Aljur kahit mahal pa!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2014 - 12:00am

PIK: Ilu-launch ni Kylie Padilla ang album niyang Gitara sa Sunday All Stars ngayong araw.

Wala pa rin si Louise delos Reyes, pero nandun si Aljur Abre­nica na iniiwasan pa rin ni Kylie.

Aabsent pa rin kaya uli si Louise?

Magpapaalam ang Villa Quintana na tatampukan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

PAK: Puring-puri ng staff ng bagong programang Marian si Gov. Vilma Santos na on time ang pagdating sa studio.

Wala pa rin daw kupas si Gov. Vi na napakabilis ang pagkuha sa mga dance steps na ni-rehearse lang niya sandali sa backstage.

Sobrang bilis daw ng taping nila at nakuha na ni Gov. Vi ang buong sayaw. Kaya nakuha lang daw nila ng 30 minutes ang taping ng Star for All Seasons.

Sobrang inspired nga raw si Marian sa bagong show niya na feeling daw niya kanyang-kanya raw talaga.

Kaya open si Marian sa mga corrections na okay lang sa kanya na i-cut kapag may mali sa ginagawa niya.

BOOM: Aminado si Kylie Padilla na mahal pa rin niya si Aljur Abrenica, kaya ayaw daw muna niyang kausapin ito dahil nangako raw siya sa Mommy niya na hindi siya makikipagbalikan.

Sabi raw ng Mommy niya, uulitin lang daw uli iyun ni Aljur, kaya tapusin na lang daw ang relasyon.

Kaya kahit friendship ay hindi open si Kylie dahil baka ma-in love na naman daw siya.

Sabi niya; “It’s hard to be friend with someone you love, You’ll just fall in love again.”

 Kapag tinatanong mo si Kylie kung ano ang dahilan ng break-up, hindi madetalye ng young actress, dahil iyon daw ang gusto na niyang makalimutan.

ALJUR ABRE ALJUR ABRENICA ALL SEASONS DAW ELMO MAGALONA JANINE GUTIERREZ KAYA KYLIE PADILLA NIYA SABI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with